CHAPTER 51: I wont let you hurt me again.
Atilah's Point of View.
"Dont...go..please stay"
Yakap niya pa rin ako habang sinasabi niya yon. My heart is racing. Hanggang ngayon nandoon pa rin yung epekto niya sakin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Masasaktan lang ako pag nagpatuloy to. I have to do something. I have to stop this feeling. Ayoko na maulit yung naramdaman ko noon. Magulo ang mundo samin ni Ash at kung ano man tong gusto niyang iparating ay sana wag niya na ituloy. Please Ash dont make it harder for the both of us.
"Atilah we have to talk" Aniya at hinila ako papasok ng isang kwarto. Kwarto niya siguro to dahil nandito ang maleta niya. Napalunok ako ng isarado niya ang pinto. Pilit kong iniiwasan ang mga seryoso niyang tingin. I still cant resist his eyes. dammit.
"Ash pagod ako. Gusto ko na magpahinga." Mahinang sabi ko. Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga paa ko. Ayoko tumingin sa mga mata niya. Ayoko.
"I cant do this anymore Atilah! I need to ask you all these questions. It really bothers me alot!" Mariin na sabi niya. Ramdam ko kung gano siya kaseryoso. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pakiramdam ko hindi maganda ang kahahantungan ng usapan na to.
Tsaka anong questions ang tinutukoy niya? Ako nga tong madaming gustong itanong at linawin sakaniya ehh. Tapos ngayon parang siya pa tong naguguluhan? Ano ba talaga? Diba dapat ako yung seryoso at naiinis ngayon hindi siya? Bakit baliktad ata?.
"Ash, pwede ba-" Bago pa ko makapagsalita ng tuluyan sumabat na ulit siya.
"Kelan pa naging kayo ni Arthur?" Diretsong tanong niya sakin. Napaperfect O ang bibig ko at di ko na mapigilan mapatingin sakaniya. What the hell?! Ano daw?!
"WHAT?!" that was all i can say. Gulat talaga ako sa tanong niya. Kami ni Arthur? iyon ba ang bumabagabag sa utak niya? Kung kelan naging kami ni Arthur?! thats fucked up! Hindi kami ni Arthur!
Ano bang klaseng babae tingin sakin ng lalaking to?! After him ill just jump into Arthur? Hindi ko nga pinapansin ang mga manliligaw ko ehh. Muntik pa ko makick out sa university noon dahil sa ayaw ko sa mga makukulit na manliligaw tapos eto pa itatanong niya sakin? What is wrong with him??
"i said, Kelan naging-" Now its my turn to cut him off.
"Seryoso ka ba jan sa tanong mo Ash? What made you think that im dating Arthur?" Kumunot ang noo niya at umirap nalang ako. Naiinis ako! Muka bang kami ni Arthur? Yes i go to dinner with him once in a while pero friendly date lang yon para sakin. I know Arthur likes me pero hindi naman siya kelan man nanligaw.
"What do you mean?...Hindi kayo ni Arthur?" Aniya at mukang hindi pa makapaniwala.
"Hindi kami ni Arthur, Ash. Ano ba pumapasok sa utak mo? Tsa-tsaka ku-kung kami man ni A-Arthur ano naman sayo?!" Pilit kong idiretso ang sarili kong pagsasalita dahil sa kaba. Tama! Ano naman sakaniya kung kami ni Arthur? Hindi ko naman siya boyfriend ehh. And just to be clear here, siya tong nagpakita sakin na hindi talaga kami. Siya nga ehh paasa, manloloko, at babaero. Ako naman tong tanga na umasa talaga.
I gave him my trust and what do i get? Him, fucking Tiffany that night. Ito na nga ba sinasabi ko ehh kaya ayokong magpaligaw. Tama na nag pakatanga ako kay Alex dati. This time i have to make things right. Bring back my rule. No man is worth it. No man is worth my love. Theres no such thing as a perfect relationship. Lahat ng lalaki sasaktan lang ako.
"You cant be with Arthur, Atilah. You cant date him" Nanlaki ang mga mata ko at diretsong nakatingin sakaniya. Ano ba pinagsasasabi niya? Naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Ano ka ba naman puso, wag mo naman ako traydorin ngayon!
"And why not? Sino ka para pagbawalan ako? Bakit? Ano ba kita?" Sa inis ko di ko inaakala na lalabas sa bibig ko yon. Gusto kong bawiin ang sinabi ko nang makita ko ang sakit sa mga mata niya. Nasaktan siya sa sinabi ko.
This isnt the Ash i know? He is heartless, cold hearted, and a monster! He doesnt care what other people say! Pero bakit ganito siya ngayon? Para bang konting salita ko lang nasasaktan siya. Bakit ka ganyan Ash? Whats wrong with him?
"Aalis na ko. Gusto ko na magpahinga" Naisipan kong umalis na doon dahil hindi na maganda ang mga pumapasok sa utak ko. Mas lalong gumugulo ang lahat!
"ATILAH!!" Napatigil ako sa sigaw niya. Buti nalang at kami lang ang tao ngayon dito sa hallway kundi sigurado pagtitinginan kami sa lakas ng sigaw niya. Tumigil lang ako at hindi lumingon.
"Atilah, Let court you. Totoong ligaw. Not fake, no lies, this time its real." Naginit ang pisngi ko at pakiramdam ko tumigil ang tibok ng puso ko. What is he doing?! ayoko na! ayoko na sakaniya! sasaktan nanaman niya ko!
Nangtitrip nanaman to ehh. alam niya siguro na may gusto si Arthur sakin at pasimpleng pinopormahan ako ng kaibigan niya. He's evil! alam kong may masamang plano siya. Anong no lies? anong this time its real? alam niya ba ang tunay na panliligaw o totoong pagmamahal? Ano bang alam niya sa love? to him, love is a big joke! so pano niya mapapaniwala sakin na totoo na to? kanina nga lang sa bar may kandong siyang babae ehh tapos ngayon sasabihin niya yan sakin? sa tingin niya ba maniniwala pa ko??
"Wala kang alam sa pagmamahal ng totoo, Ash. Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Youre a bad boy, a cassanova even. Do you really expect me to believe na totoo na to?" Sinabi ko yon ng hindi siya nililingon. Wala akong ideya kung anong ekspresyon niya. Sa tingin ko nga natatawa lang siya ngayon dahil pinapatulan ko pa ang pang gogood time niya.
"You hurt me once, Ash. I wont let you hurt me again."
![](https://img.wattpad.com/cover/22026220-288-k1596.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]
RomansaPosible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah? Magiging happy ending ba ang dalawa o simula na ito ng world war III?