CHAPTER 28: Something i can't deny.
Atilah's Point of View.
Tapos na ko magbihis ng maisipan kong katukin na si Ash sa kwarto niya. Nagugutom na kaya ako! ang layo kaya ng byahe papunta dito x.x Excited na din ako makapunta sa pool side mukang masaya don kanina ko pa sila naririnig nagtatawanan at naghihiyawan.
Paglabas ko nakita ko ang isang itim na pintuan sa tabi ng kwarto to. Ito na siguro yung kwarto ni Ash. Kakatok sana ako pero narinig ko may parang umiiyak. Ano kaya yon? Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Nakita ko si Ash na nakatalikod sa direksyon ko at kaharap ang umiiyak na si Tiffany.
Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib.Parang may kung ano din sa lalamunan ko na nakabara. Bumilis ang tibok ng puso. Anong nangyayari bakit umiiyak si Tiffany? Hindi ko makita ang reaksyon ni Ash kung naaawa ba siya o blangko ba ang reaksyon niya. Tanging muka lang ni Tiffany ang nakikita ko. Hindi ko namalayan na saglit na napasulyap si Tiffany sakin. Aatras sana ako ng biglang magsalita si Ash.
"Please get out now or-" Hindi na natapos ni Ash ang sasabihin niya ng biglang halikan siya ni Tiffany. Nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ni Ash at marahas siyang hinalikan. Ang sakit..
Bakiy hindi siya pumapalag?! Bakit hindi niya man lang itulak si Tiffany? Gusto niya ba si Tiffany? May namamagitan ba sakanila?? Hindi ko na kinayang manuod pa kaya umalis na ko ng tahimik. Ang bigat ng pakiramdam ko para bang bitbit ko ang mundo sa puso ko.
Gaya ng sabi ko noon. Hindi ako ignorante sa pagibig. Naramdaman ko na to noon pero bakit pag dating sakaniya mas mabigat. Mas mahirap. Mas masakit.
"Ate? Why are you crying?" Nagulat ako sa kapatid ni Ash na biglang sumulpot sa harap ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit ba ko umiiyak sa lalaking yon? No one is worth my tears, my effort, my care! no one is worth my love. No one! Lahat ng lalaki sasaktan lang ako and Ash is not an expection.
"Napuwing lang ako may sore eyes ata ako. Dont look into my eyes baby baka mahawa ka" Agad siyang pumikit. Ang cute ng mga mata niya reminds me of As- Wait..Erase that... Napangiti ako sa kacutan ni Ashley.
Dahan dahan siyang lumapit sakin at dinampi ang maliit niyang kamay sa pisngi ko. Marahan niyang pinahid ang mga luha ko at nginitian ako. Napangiti ako kasi nakapikit pa din siya. Hehe ang cute talaga.
"Ate dont cry na. Youre so pretty you shouldnt cry. My mom said pretty girls dont cry because they are strong. Thats why i dont cry because im strong" She gently smile at me again. Hindi ko na mapigilan mapatawa sa sinabi niya. Ang talino naman ng batang to. Paenglish english pa. Samantalang ako noong baby ako kinukwento ni mom sakin nagaaway sila ni dad kasi unang tinuro sakin na word bisaya pa. Haha!
"Baby can i hug you? Maybe you can share your strong powers to ate" Tumango siya at niyakap ako. Medyo gumaan na ang loob ko ng yakapin niya ko.
Lumabas kami ng kwarto ko at naglaro ng mga dolls niya sa playroom niya. Pinapatawag na nga ako ng mom ni Ash para makisalo sa kasiyahan nila Ash sa pool side pero sinabi ko nalang na pagod ako kaya dito nalang muna ako kay Ashley. Mag gagabi na at inantok na si Ashley. Binasahan ko siya ng Cinderella hanggang sa makatulog siya.
Matagal din kami nagkasama ni Ashley. Halata sakaniya na gusto niya nga ako gaya ng sabi ng kuya niya. I just hope she wont get mad at me pag nalaman niya na hindi talaga kami ng kuya niya..And maybe..never kami magkakaron ng relasyon ng kuya niya.
Napagisip isip ko na din ang lahat eh. Mahal siguro ni Ash si Tiffany. Pero ayaw ni Ashley kay Tiffany kaya hindi niya mapakita sa kapatid niya na may relasyon sila. Ayaw niya na magalit ulit si Ashley sakaniya. Mahal niya ang kapatid niya. Nakita niya na nagustuhan ako ng kapatid niya at nanumbalik ang sigla nito ng magsalita ulit siya.
Hayy...Singit lang ako sa love story ng dalawang yon. Maybe thats why ang sungit ni Tiffany sakin kanina. Pinagtanggol lang naman ako ni Ash kasi nandon si Ashley. Hayy.. Ano ba tong pinasok ko.
Hindi ko kaya ideny na nagseselos talaga ako. Wala na eh..Ayoko man aminin sa sarili ko eto na eh..
Im in love with the bad boy... That is something i can't deny. And i must stop this nonesense right now or else..Masasaktan nanaman ako. Ayoko na ng ganon. Ayoko na.
BINABASA MO ANG
Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]
RomancePosible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah? Magiging happy ending ba ang dalawa o simula na ito ng world war III?