CHAPTER 58: Unwanted Visitor.

18.3K 292 0
                                    

CHAPTER 58: Unwanted Visitor.





Atilah's Point of View.



Ilang araw ang lumipas naging mas protective si Ash sakin. Gusto niya lagi ko siya kasama kung may pupuntahan man ako. Wala naman ako ibang pinupuntahan maliban na lang kung magyaya si Calvin kung saan o kaya pag gusto mag bonding ng mga kaibigan namin. Alam naman nila na ayos na kami ni Ash. Wala naman ibang nakaalam maliban kay Arthur na hindi totoo yung past relationship namin kaya ang akala nila matagal na kami kahit ang totoo nagsisimula pa lang talaga kami ni Ash.



"Ash hindi pa ba tapos meeting niyo?" i asked him over the phone. Naghihintay ako sakaniya dito sa bahay dahil tulad ng ibang araw na hindi siya busy sa racing career niya o sa pag mamanage ng kumpanya nila.



"Hindi pa babe, May susunod pa kong meeting mamayang after lunch. Alam mo ba ang sarap hubarin nitong suit ko at pumunta na jan. I miss you so much." This is what i love about him. he's still the same Ash. Ang nawala lang yung pagiging babaero niya. He said he lose interest na daw sa ibang babae. Nadagdag naman yung pagiging over protective at sweet niya.



"I miss you too. Nag sorry ka na ba sa sekretarya mo na sinigawan at sinungit sungitan mo?" I asked while simply smiling on my own.




"Yes i apoligized. Pero next time she made a mistake like that ipapatapon ko siya palabas ng building." Pagsusungit nanaman niya. Natawa nalang ako. Ang sungit niya dun sa bagong sekretarya niya eh nakalimutan lang naman lagyan ng asukal yung kape niya.




"Ang sungit mo nanaman. Osige na i'll call you later. " Paalam ko. Ayoko naman siya magambala at mas lalo lang tatagal ang trabaho niya.




"Aryt. I sent something for you. Idedeliever ulit jan." Ay nako. Let me guess flowers again haha. Lagi nalang tuwing sobrang busy niya at hindi kami magkasama lagi nalang may flowers.



"Oo na sige na haha! Bye na naririnig ko tinatawag ka na oh" We bid our goodbyes and i ended the call.




Binuksan ko na lang ang tv ko at humiga sa kama. Nakakulong lang ako sa kwarto at kumakain ng nachos. Wala si mommy dahil may pinuntahan. Mga katulong at guards lang kasama ko dito. Lumipas ang lunch at nag tanghalian lang ako magisa ganun lang yun. Hayy ang boring. Nakahiga lang ako at nakatutok sa cooking show na pinapanuod ko ng biglang katukin ako ng katulong.




"Ma'am may naghahanap po sainyo" Magalang na sabi ng katulong namin.



"Sige bababa na ko" Nginitian ko siya at umalis na. Hay nako ito nanaman yung pina deliver ni Ash. Dali dali akong bumaba at hinanap yung naghahanap daw sakin. Then may isang babaeng bihis na bihis na nakatalikod sa direksyon ko.




Nagulat ako sa nakita ko. Bakit siya nandito? Nanginginig ako sa galit. Ang lakas din naman ng loob ng babaeng to. Tinitignan niya pa ang buong bahay namin. Agad ko siyang nilapitan at ng makita niya ko ay peke siyang ngumiti sakin.







"Anong ginagawa mo dito Tiffany?"

Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon