CHAPTER 54: I'm begging you.

21.2K 434 12
                                    

CHAPTER 54: I'm Begging You.




Atilah's Point of View.


"Oh ayan na pala sila ehh" ani Calvin paglabas namin tatlo ng hotel.




Isa isa na silang nagsakayan sa van. Sa unahan si Calvin, Theo at yung babaeng tour guide. Sa gitna naman sina Kevin at Kelvin. Sumunod naman ako at umupo ako sa likuran sa may bintana. Pagkaupo ko ang tagal bago may sumunod na pumasok ng van. Nagkatinginan na nga kami ni Calvin eh.




"ako ang tatabi kay Atilah. Sumosobra ka na sakin ngayon Arthur. Baka matuloy natin dito ang naudlot natin na sapakan kanina" Nanlaki ang mata namin ni Calvin sa narinig sa labas ng van. Si Kevin at Kelvin naman nagpipigil ng tawa.




"Ah ano.! Arthur hayaan mo na muna yan si papa Ash. Tumabi ka nalang muna kila Kevin tatluhan naman don. dali na go!" Wala nang nagawa si Arthur dahil mukang kaylangan nga talaga maghiwalay ang dalawang yon dahil baka dito pa sila sa Van mag sapakan.






Teka. Bakit si Ash ang pinatabi sakin nitong baklang Calvin na to?! Tinignan ko siya ng masama nag peace sign lang siya sakin at tumawa. Pagkapasok ni Ash ay tumabi siya sakin. Sumunod naman na pumasok si Arthur na masama ang tingin kay Ash.




"Ok na po ba? Ang pupuntahan po natin ngayon ay ang Ariel's Point. 30-40 minutes lang po ang byahe papunta doon kaya makakarating po tayo doon mga lunch time na. Ako nga po pala si Laine, kung may gusto kayong itanong sabihin niyo lang po sakin" Sabi pa ng tour guide samin habang umaandar ang van.




Hindi ko na masyadong naintindihan ang daldalan nila dahil hindi na bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. Dammit! Bakit kasi si Ash pa ang katabi ko. Huminga ako ng malalim at itinuon nalang ang pansin sa sinasabi ng tour guide.




"Eh miss Laine may tanong ako" Natatawang sabi ni Kelvin sa Tour guide.




"Ano po yon?" ani ng tour guide na si Laine.




"Kunwari ako ex mo tapos itong kambal ko may gusto sayo. Sino pipiliin mo samin? Yung minahal mo o yung mamahalin mo?" Humalagapak ng tawa si Calvin, Theo at Kevin. Tahimik naman si Arthur at Ash.




Mukang pinapatamaan at kami nitong lokong to ahh. Ipaalala niyo nga sakin na itulak siya sa 10ft jump sa Ariel's Point. Napatingin ako kay Ash na ngumingisi. Anong nginingisi ngisi mo jan? Siguro natatawa siya kasi hindi naman talaga totoo na naging kami pero kinoconsider pa din ni Kelvin na ex boyfriend ko siya.




"Syempre doon ako sa ex ko. Kahit na naghiwalay eh kung nagawa niya kong mapamahal dati edi mapapamahal niya ulit ako. Tsaka sabi nga po diba everybody deserves a second chance. Wag lang sisirain yung chance na yon. Dapat lubusin na diba" Sagot ng tour guide habang namumula siya. Siguro may boyfriend na to kaya nakakarelate ako. Eh leche bakit ba ko nakikinig sa mga kalokohan na usapan na yan.




Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sumandal sa bintana. Maaga ako nagising kaninang umaga kaya itutulog ko nalang to. 30-40 minutes pa naman daw ang byahe papunta doon eh edi makaka iglip pa ko. Kesa naman none stop na unli ang bilis s pagtibok ng puso ko dito kay Ash. Hayy kahit ang bango mo Ash hindi pa din ako mahuhulog nalang ng basta basta sayo. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sayo dati at anong nangyari? Lumagapak ako sa putikan.




---------

Nagising nalang ako sa siyawan na naririnig ko. Pagmulat ko ay nasa napakagandang kwarto ako. Hotel? Bakit ako nandito? Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon na. Nakita ko ang mga bag namin sa isang gilid. Siguro nandito na kami. Hindi man lang nila ako ginising??




"Gising ka na pala" Napatingin ako sa direksyon kung nasaan ang boses na yon at nakita ko si Ash na pumasok dito sa kwarto.




"Kanina pa ba tayo dito? bakit hindi niyo ko ginising?" He smiled at me. Yung ngiting sakin niya lang pinapakita yung ngiti na totoong kasiyahan ang sinisigaw. Bumilis ang tibok ng puso ko para bang i have this urge to run to him ang hug him.




"Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo. Mga 20 minutes palang naman tayo dito. Mamaya pa tayong 5pm aalis" aniya at kinuha ang bag niya. Tumango nalang ako.





"Are you hungry? Sabay na tayo lumabas. Nakakaligaw dito baka mawala nanaman kita" Naginit ang pisngi ko. Who are you? Bakit pag kausap ko siya parang hindi siya yung Ash dati? He's kind, gentle and sweet. Para bang walang bakas na mananakit siya.




"Osige. Magpapalit lang ako." pilit kong inayos ang pananalita ko kahit kinakabahan ako. Ayoko ipakita sakaniya na tinatablan ako. Be hard as stone , Atilah. In that way he cant break you.




"Alright. I'll just wait for you outside" Aniya at lumabas na. Huminga ako ng malalim.




"Puso naman. Bakit ba siya pa din ang tinitibok mo. Nakakainis ka naman eh. Hindi ka pa ba natatakot. Pagtinanggap mo ulit siya sasaktan ka nanaman niya. Diba dapat hindi ka magpapapasok ng pagibig jan?" Sabi ko sa sarili ko. Bakit kasi si Ash pa rin. Its been a year for god sake! Nakamove on na nga yung sakit at galit ko sakaniya. Yun pala nandoon pa din yung feelings ko.




Nagpalit nalang ako ng bikini sa pang ilalim ko at nagsuot ng peach dress. Paglabas ko ng kwarto napanganga ako sa nakita ko. Napakaganda dito. Ang view ng dagat at kalangitan ay napakaganda. Words isnt enough describing how perfect this place is.




"You ready to go?" sabi ni Ash at tumango naman ako. Naglakad na kami papunta sa restaurant. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilan mapatingin sa magandang tanawin.




Maya maya pa ay naramdaman kong hinawakan ni Ash ang kamay ko. Naginit nanaman ang pisngi ko at halos di na ata ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kamay kong hawal hawak niya. I cant stop myself from smiling. I missed this. I missed him. Hindi ko na napigilan ang patulo ng luha ko.




"Atilah, are you alright? Why are you crying?" He held my face with his warm hand and look at me with his worried eyes.




"Who are you? Bakit pag kasama kita hindi ko maramdaman sa puso ko na sasaktan mo ko pero sumisigaw ang utak ko na layuan ka dahil sasaktan mo lang ako. Ash please im begging you. Kung sasaktan mo lang ako layuan mo nalang ako." nanlaki ang mata ko ng marealize ang mga sinabi ko. Bakit ko yon nasabi sakaniya..Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.


"Do you still love me Atilah? Because i love you ever since. Im just too stupid to realize. Im sorry" Bigla kong naramdaman ang mainit na likidong tumulo sa balikat ko. He's crying?!


"Ayaw ko sana aminin Ash but yes. I still love you." Bumitaw siya sa pagkakayakap at nakita ko ang muka niya na may luha. He really is crying.


"Im begging you Atilah please be mine again. I dont know what else i can do to make you say yes." Aniya. Every word that is getting out of his mouth is screaming of pain. He feels the same way. Im glad that now its true.


I looked at the view infront of us. Huminga ako ng malalim. Buti nalang walang tao dito sa parteng to at hindi nakikita ang mga nangyayari samin ngayon dito. This is the moment ill give myself to him again. Everybody deserves a second chance right? Maybe this time everything will be alright. Who am i not to forgive and give another chance.


"Promise me one thing Ash." Tinignan ko siya sa mata.


"Anything. Just tell me" Pinikit ko ang mata ko at nirelax ang utak ko. Now everything will be alright huh...





"No more lies, no more other people. No more pain. Just you and me" He smiled and nodded. In a split second i felt his warm lips into mine. I slowly closed my eyes and kissed him back.



Gusto ko lang maging masaya. Im too fragile to stop my own feelings. Masyadong malakas eh masyado ko siyang mahal. Nasaktan na ko ng sobra. Pwede bang sumaya naman ako ngayon?

Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon