CHAPTER 47: Boracay trip 1

18.8K 324 2
                                    

CHAPTER 47: Boracay Trip 1

Atilah's Point of View.

Tahimik lang ako buong byahe namin papuntang airport. Acting like he's not here. Nagdadaldalan sila at minsan sinasali ako pero isang tanong isang sagot lang ang ginagawa ko sakanila. Damn, you guys tricked me. But i shouldnt act bothered. I want them to think that im completely moved on. Naka move on naman na ko ehh. I just cant stand to be in one place with him. Thats how much i hate him.Whenever i see him i feel stupid.

"30 minutes delay daw yung eroplano guys." Ani Arthur habang nakaupo kami sa waiting area. Nandito na kami ngayon sa NAIA 3 at naghihintay ng eroplano namin.

Nakasalpak ang isang head phone ko at nakikinig ng music. Ayoko makaramdam ng awkwardness. Less talk less mistakes right? Umupo si Calvin sa tabi ko at tinitigan ako.

"What?" Nagtatakang tanong ko sakaniya.

"You ok?" Tanong niya pa. Tinitigan niya pa ko na parang may hinahanap siya sa mga mata ko. Wtf creepy.

"Yeaahh...Dont stare at me like that nakakatakot ka" Hinampas ko ang braso niya pero hindi pa din siya natitinag.

"Ok lang sayo na nandito si Ash?" Seryosong tanong niya. Naloko na. Ayoko nga siya pagusapan eh.

"Oo naman. Geez Cal. Yan ba iniisip mo kaya ka nagkakaganyan?" Umiling iling ako at ngumisi at binaling ang pansin sa paghahanap ng music na papakinggan ko.

"ASH!! Come here honey!" Nanlaki ang mga mata ko ng tawagin niya si Ash kinaway kaway niya pa ang kamay niya. Napatingin ako sa direksyon kung nasan si Ash at ayun siya papalapit samin habang nalangiti na parang aso.

"Yes?" Aniya at umupo sa harapan namin. Napansin ko ang tattoo siya sa braso which made him look more 'bad boy' than before.

"Ok lang ba sayo na nandito si Atilah?" Tanong pa ni Calvin.Tinignan ko siya gamit ang 'What-The-Fucking-Fuck-Are-You-Doing?' look ko. Umirap lang siya sakin at humarap ulit kay Ash at nginitian to.

"Of course! Haha! Whats wrong? Should i be worried?" Hell you aint worried! you dont even cared! Jerk.

"Good then. Ikaw Atilah. Ok lang ba sayo na nandito si Ash?" Ako naman ang tinanong ni Calvin.

"Cal sinagot ko na yan kanina. Do i have to repeat myself?" Pasungit kong sagot sakaniya. Im pissed right now. I cant even dare to look at Ash. My eyes are allergic to Morons.

"Yes! you have to repeat yourself so stops being a spoiled brat and answer the question" Pataray na sagot sakin ni Calvin. Nakapekeng ngiti siya sakin.

"Ugh. Yes its fine." Ngumiti din ako ng peke.

"Smile Atilah. Ash isnt buying it" Hinawakan niya ang baba ko at hinarap kay Ash na nakangiting Aso lang habang mapupungay ang mga mata. I gave him a fake smile. He smiled back. Umirap nalang ako sa kawalan.

Ilang minuto pa sila nagkwentuhan ni Calvin. Umupo si Ash sa tabi ni Calvin. Sumali na din si Theo at ang kambal. Si Arthur naman may kausap sa phone sa malayo. Bumuntong hininga nalang ako. Naoop ako sakanila. Why am i like this? I should loosen up right? Fine. simula ngayon di na ko magpapaapekto kay Ash. I dont care if he's there. I will have fun and enjoy this trip.

"Guys lets go. Nandyan na yung plane" Sabi naman ni Arthur ng lumapit siya samin. Kinuha niya ang bag niya sa tabi ng bag ko.

Kukunin ko na din sana ang bag ko ng biglang nagtama ang mga kamay namin dahil kukunin niya din ang bag ko. Ngumiti siya sakin at natawa naman ako.

"Ako na" He said and then winked at me. I giggled like a high school girl. Sanay na ko sa gentleman moves ni Arthur kaya lang natatawa talaga ako pag hinahaluan niya ng biro.

Magingay ang kambal dahil sa pinaguusapan nilang plano sa pagkuha ng babae sa beach. Nakikitawa naman ko sa kolokohan nilang dalawa ganun din si Arthur na katabi ko.

Si Calvin katabi niya si Theo at si Ash naman nasa unahan namin at may katabing 7 or 8 years old na batang lalaki. Buong byahe ay nagtatawanan lang kami at nagkukwentuhan ni Arthur. Minsan tungkol sa business minsan naman tungkol sa trabaho niya. 45 - 50 minutes ang tinagal ng byahe namin bago makarating sa airport.

"Lessgawww! Boracay here we come!" excited na sigaw ni Calvin pagkababang pakababa namin sa eroplano.

Hapon palang dito kaya tamang tama ang init ng araw. Madami din turistang dumadating dahil nga summer ngayon madami kaming kasabay na turista. Loosen up Atilah and have fun!

Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon