CHAPTER 3: The Challenge

30.7K 536 2
                                    

CHAPTER 3: The Challenge.

Atilah's Point of View.

Ang ganda ganda ng mood ko pumunta dito sa club tapos makikita ko pa yung lalaking yon dito? Seriously? ang kapal lang ng muka niya na kausapin pa ko. Pagtapos ng kagaguhan na ginawa niya ang lakas pa ng dugo niya kausapin ako? psh. Ang yabang niya pa! Pumunta ako sa bar at nag order sa bartender ng drink.

"One Blow job please" Ngumiti naman sakin yung bartender bago umalid at ayusin ang drink ko.

"What a drink" Hindi ko nalang pinansin ang lalaking tumabi sakin. Ayoko siya pansinin noh! Baka isipin niya importante siya.

"You come here often?" Tanong niya pa. I stayed quiet. Hinintay ko lang ang drink ko.

Bwiset kasi na baklang Calvin yan! Kung saan saan nag pupunta! Iwan ba naman daw ako? May nakita lang ata na target eh. Someone cleared his throat so i can notice. Obvious naman.

Sa inis ko hindi ko na nahintay yung drink ko at inirapan nalang siya. Dumiretso na ko sa dance floor. Pumunta ako sa gitna. Madami na din nagsasayaw kaya siguro naman di na niya ko susundan dito. Nagsimula akong sumayaw at dinama ang malakas na party music.

"Wooooo!!!!" Sigaw ng mga lalaki sa paligid ko. I just smirked and contiued dancing. Ganito naman lagi pag nagsasayaw ako im used to it.

May isang morenong lalaki na pumunta sa likuran ko at sinayawan ako. Damn he's cute. Tall, dark, and handsome ika nga. Hinayaan ko lang siyang makisayaw sakin as the crowd goes wild. Hinahayaan ko nalang pag gwapo haha! Sorry na xD

Ok lang naman sakin may sumali sakin pag nagsasayaw ako eh. Aarte pa ba ko? Kaya nga nasa dance floor eh. Yung ibang babae lang talaga ang arte. Pupunta sa dance floor tapos mananampal ng lalaki kasi nakisayaw sakanila. Ang tatanga haha! What do they expect? Dance floor to club to natural may sasayaw sayo haha! Mga pa virgin nasa loob naman ang kulo haha!

"Whats your name?" Tanong sakin ng morenong sexy. Nagisip ako ng pangalan. I dont tell my real name pag ganito haha!

"Ann" simple kong sagot.Ngumiti ako sakaniya at ganun din siya. Damn that smile. haha! Ann Curtis daw ang peg ko ngayon haha! Nung isang araw Jessica ngayon Ann haha!

Nabigla nalang ako ng biglang may humila sakin. Base sa suot niya ito yung lalaking gago magmaneho -_- Pilit kong tanggalin ang kamay niya pero masyado siyang malakas. Kaya wala na din akong nagawa nagpatianod nalang ako sa hila nitong loko loko na to.

Nakarating kami sa parking lot. Ang bilis pa manghila ang sakit na ng paa ko. Naka stilleto kaya ako! Tumigil kami sa tapat ng isang sports car. Sasakyan niya to if im not mistaken. Pumiglas na ako at tinanggal na niya ang kamay niya.

"Bakit ka ba nanghihila?!" bulyaw ko sakaniya. Humarap siya sakin at tinignan ako sa mata. That seducing eyes...

Unti unti siyang lumapit sakin. Bawat hakbang niya papalapit sakin isang hakbang ko paatras. Hindi siya nagsasalita pero diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko. Hanggang sa naramdaman ko na ang sasakyan niya sa likod ko.Damn it! Wala na kong aatrasan. Lumapit pa siya lalo pero di ako natinag. Kinulong niya ko sa magkabilang braso niya. Wala na kong takas!

"You like me dont you?" He winked at me and i pushed him away. WTF?! ako magkakagusto sakaniya? NO WAY!

"Ang kapal naman ng muka mo! who do you think you are?" I asked and looked at him with disgust written all over my face.

"You know me. Everyone knows me. Dont worry hindi din naman ako pumapatol sa mga tulad mong low class" Napa perfect O shape ang bibig ko sa sinabi niya. Who is he calling low class??!

"Dont worry too Mr. ASS! I wont fall for a guy like you. EVER!" sigaw ko sakaniya. Inirapan ko siya at tinalikuan. UGH! I cant believe this!

"PSH! Hindi porket A.S.S and initials ng pangalan ko tatawagin mo na kong ass. Well at least ako may ass ikaw nga wala eh. At ako din naman di mafa'fall sayo!" Sigaw niya pa sakin. Hinarap ko siya muli at sinabing...

"DAMN YOU!!" I raised my middle finger at him and he just smirked. I turned my back and walk away. Wala akong oras makipag laro sa isip bata.

I evily smirked. Let's see about that Mr. Ash Savier Saavedra, Hindi pala mafa'fall ha. I will make you fall for me so hard! you'll eat your own words baby. Psh. Eat my shorts, ASS.

Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon