CHAPTER 40: No Ash?

18.8K 351 3
                                    

CHAPTER 40: No Ash?

Atilah's Point of View.

Its been months and months  since the last time Ash called or messaged me. Simula nung nalaman ko sa news wala na ko narinig sakaniya. Hindi ko nalang din pinansin? Yun bang wala na kong balita o naririnig tungkol sakaniya. Ultimo mga kaibigan niya wala din balita sakaniya.

Ang tanging balita ko lang sakaniya ay yung napapanuod ko sa TV, kasali siya sa season race ngayon taon kaya every month lagi kong napapanuod sa tv ang pag papaulan niya ng champagne at kung ano ano pa. Proud ang pilipinas sakaniya dahil sa paulit ulit niyang panalo. He's damn good i must say. Taga ibat ibang bansa ang nakakalaban niya at so far hindi pa siya natatalo.

"Atilah!" Sigaw ng nina Kevin at Kelvin. Kumaway naman ako sakanila. Sabay silang papunta sa direksyon ko kasama si Arthur na nakatuon sa iphone niya.


"May date ka na ba para sa midnight dance bukas?" Tanong ni Kelvin sakin sabay abot ng isang c2.

"Nah..Hindi ako pupunta. You guys know how much i hate school programs." i shurgged. Ayoko ng mga dance dance na yan. Besides the day after tomorrow? graduation na.

"Well bahala ka. Pag di ka pupunta di na din kami pupunta." Sabi pa ni Kevin. Sinapak ko na. Lagi nalang silang ganyan naka base sakin lagi.

"Ano ba kayo para kayong mga bata. Pumunta kayo sayang yon. Ako hindi talaga ako pupunta, alam niyo naman na nagpipigil ako mangbugbog ng lalaki kaya as much as possible ayoko muna dumikit sa lalaki."They just shrugged. Napatingin naman ako kay Arthur na busy pa din sa katext niya. Napangiti ako. Wow mukang inspired si gago. Ngiting ngiti eh.


"Hoy!" kinotongan ko nga bigla. Nagtawanan kami sa expression niya. Hahaha! Priceless!


"Aray naman Atilah! Isa pang kotong hahalikan kita! Kahapon ka pa ah!" Natatawang banta niya habang hinihimas ang ulo niya.


"Gago patay tayo kay Ash pag hinalikan mo yan!" Singit naman ni Calvin. Yes, akala pa din nila kami pa ni Ash. Hindi pa kasi bumabalik yun halimaw na yon kaya eto ako hindi magawang makipag Break sa fake namin na relationshit namin. Ayos lang naman sakin yun kasi kami kami lang naman ang nakakaalam.


"Wala na! Hindi na nga nagparamdam yon ehh. Napagod na siguro mangulit kay Atilah" Inakbayan ako ni Arthur at nagtawanan lang sila. Ako lang yung hindi tumawa.Actually napayuko pa ko. Pakiramdam ko parang sinampal ako sa sinabi ni Arthur.


Napagod na kaya siya? O kaya baka nagkatuluyan na nga talaga si Ash at Tiffany? Or worst! nambabae na ng nambabae! Ughh! pag naiisip ko yon ngayon parang may mabigat at tusok tusok na batong tumatama sa dibdib ko. Ang sakit!


"Atilah? You ok?" Nagising nalang ako sa malalim na pag iisip ng hawakan ni Arthur ang magkabilang balikat ko.


Diretso ang maamo niyang mga mata sakin. His eyes are brown, Nose that is perfectly manly, His jaw that's perfectly angled, and his redish lips. Ngayon ko lang natignan ng mabuti ang muka niya. Maamo at inosente ang muka niya. Kahit playboy type din siya tulad ng iba siya na ata ang pinakamabait.


"Atilah? Ok ka lang ba? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo? Did i say something offensive? Please speak to me" Naging mas lalong maamo ang mga niya. Almost like those cute puppy dog eyes. Napangiti nalang ako bigla.


"No its just that...Narealize ko lang talaga na tumigil na si Ash sakin." Buti nalang at naglalakad na sa di kalayuan ang kambal at si Calvin papunta ng gate. Kami lang ni Arthur ang naiwan dito.


"Its ok. No Ash? Hindi ba't yun ang gusto mo?" He's right. Yun nga ang gusto ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?


i should be happy! But no..No..im not happy with this. Pakiramdam ko may mabigat na dumagan sakin idagdag pa yan sa bato na sumasaksak sa dibdib ko. Ang sakit sakit.  Ito nga talaga ang gusto ko yung tigilan niya ko para makalimutan ko na din siya.


But what's happening to me. I should be mad at him! I should hate him for what he did to me. I still feel the hatered in me but theres something bothering me.


Napapaisip tuloy ako.. i hate him but i hate this No Ash thing. Nakakabobo pero pakiramdam ko hinahanap hanap ko yung pangungulit ng lalaking yon. Hinahanap hanap ko siya?


"I don't know if i like this NO ASH thing... i think miss him" nanlaki ang mga mata ko did i just said that out loud?


"THIS IS BAD ARTHUR!!" Napasigaw ako.Nagpapanic na ko. Wtf?! i miss him??!!! How the fuck did that happened?!


"This is really bad Atilah" Napailing iling nalang si Arthur.

Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon