CHAPTER 16: Surprise Dinner

26.1K 487 7
                                    

CHAPTER 16: Surprise Dinner

Atilah's Point of View.

"Oo dalawang beses na. Nung una akong nakarating sakanila maaga akong umalis hindi pa siya gising. Then ngayon yun nga ang nangyari" Pagkukwento ko pa sa kaibigan ko na seryoso lang na nakikinig sakin.

"Hindi ko alam kung bad or good ba yan eh. Good kasi buhay ka na ulit! You can feel love again. Bad thing is...Youre in love with ASH SEXY SAAVEDRA!" Umiling iling ako sa sinabi niya. It cant be! Hindi naman ako nakakaramdam ng selos oh kung ano man so far. I mean hindi ko madedeny na posible nga na mainlove ako pero for now i cant tell na inlove talaga ako sa itlog na yon!

Madami pang pwedeng patunayan. Oo rason siya ng pagbukas ng pinto ng puso ko pero it doesnt mean na siya na agad iba? Right?! Hindi pwedeng mangyari yon. Not to brag but there's so many guys who's courting me, putting all their efforts for me to say Yes! and be with them in a serious relationship. So bakit ko pa tatalikuran yung mga lalaking yon para lang sa walang puso, walang modo, pervet, at babaerong itlog na yon?! Im not dumb! Tsaka si Alex nga loyal nung niligawan ako eh pero nang gago pa siya pa kaya na gago ngayon?!

"Pero girl. I cant believe that Jason did that to you. Halos mukang magpapari na nga ang lalaking yon dahil sa sobrang bait eh. Never ko nga narinig mag mura yon tapos ganun pala siya." And yes. Yung pinakamatagal kong manliligaw yung nang gago sakin kagabi.  Nalaman ko kay Ash nung kinuwento niya sakin kanina bago ako umuwi. Umupo ako ng maayos ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"What now Althea?!" pasigaw na bungad ko ng buksan ko ang pinto.

"Aalis daw tayo magdidinner sa labas kaya mag ayos ka na ng sarili mo! at magusap daw kayo ni dad mamaya!" Napalunok ako. Oh god. Ito naba ang kinakatakutan ko?

Kaya nga ako tanghali na umuwi para hindi mapansin ni dad na inumaga nanaman ako ng uwi eh tapos ngayon kakausapin daw ako?! Oh god. Amazona ako sa lahat ng lalaki except my dad. Daddy's girl ako and magalit na ko kay Mommy o sa lahat ng tao s mundo pero kay Daddy di ko kaya magalit. Takot ako sakaniya. Sa sobrang bait niya sakin nakakatakot pag nagagalit ko siya.

"Well mukang may Dinner kayo sa labas. I must go. See you at school later baby" Nakipag beso beso si Calvin sakin at sumabay na kay Althea sa pag alis ng kwarto ko. oh god.What should i do?! Nalaman niya kaya na kila Ash ako natulog? Sinabi kaya ng dad ni Ash?!

Naligo ako at inayos ang sarili ko. Sinuot ko ang isang yellow plain dress at nude colored flats. Ang sakit pa din kasi ng paa ko. Grabe pala ako kagabi. Sobrang wasted. Pag bukas ko pa ng phone ko tadtad ako ng text nila Kevin, Kelvin, Arthur at Calvin. Tinatanong kung ok lang ako. Hay.. yesterday was a bad day so maybe thats why i like to drink a little too much.

I simply put my hair on a sophisticated bun and put a light make up. Kami kami lang naman di na kaylangan magpaganda ng sobra. Bumaba ako ng hagdanan namin at nasilip ko si dad, mom at Althea na ayos na ayos. Huh? Anong meron? Buti nalang di ako mukang OP sa mga get up nila.

"Mommy san punta natin?" Ngumiti naman si mom sakin na mukang good mood habang inaayos ang buhok ni Althea.

"Mag didinner tayo sa labas. Good mood ang dad mo sayo. " Kumunot ang noo ko sa sagot ni mom. Si dad? Good mood? Eh kahapon lang badtrip siya sakin ah?

Tumingin ako kay dad na may kausap sa telepono. Nakangiti siya at tumatawa tawa pa. Aba? Good mood nga? Anong meron? Pagkababa ni dad ng telepono napatingin siya agad sakin at niyakap ako. Wait...whats happening here? Mas lalo akong kinabahan sa mga kinikilos nila. Magalit nalang sakin si dad! Kesa ganito kinikilos nila oh god this is so frustrating!

"My daughter. My beautiful beautiful daughter" Dad chuckled. Kinurot niya pa ang kaliwang pisngi ko at ngingiti ngiti pa. Wtf?!

"Lets go naka ready na ang sasakyan" Dugtong niya pa. Sumunod nalang ako. What the hell is happening?

-----

Ng makarating kami sa favorite restaurant ko. Doon lang sinabi ni dad na may kasama pala kami mag dinner. Sabi niya close friend niya daw kaya kinabahan pa ko lalo. Pagkasabi niya non tumambad agad sa utak ko ang imahe ng dad ni Ash. Damn sana wag naman! Bakala madulas siya at masabi na inalagaan ng magaling niyang anak ang wasted at lasing na lasing na Atilah. Im doomed! Good mood na nga si dad eh!

"Anna, Its good to see you again" Bati ni mom sa isang babae na napaka ganda. Mukang magkaedad lang sila ni mom at isa pa tong pamilyar sakin.

Umupo kami sa malaking table kung saan nakaupo ang babaeng tinawag ni mom na Anna. She looks so familar. Alam kong nakita ko na siya sa tv pero di ko matandaan sino talaga siya. She looks so elegant with her white dress. Mukang matagal na silang magkaibigan nila mom at dad base sa mga pinaguusapan nila.

"Oh nandito na pala kayo" Nanlaki ang mata ko ng biglang sumulpot ang dad ni Ash. Tumabi ito kay Anna...Damn! Asawa niya to?! it means magulang ni Ash ang kasama namin mag dinner?!

Lumipas ang ilang minuto narealize ko na sobrang close ng magulang ko at magulang ni Ash. Wala talaga akong pakielam sa mga kaibigan ng mga magulang ko. Dahil puro business lang naman ang mga bukang bibig nila and i dont like to talk about our company. Habang tumatagal mas kinakabahan ako! oh this is bad. Could this get any worst?!

"Sorry im late" then i suddenly feel like killing myself.

Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon