CHAPTER 41: He's Here.
Atilah's Point of View.
"YOU HAVE TO COME! For God's sake Atilah! Last year na to! Gagraduate na tayo! For once please!!" Paglilipit pa ni Calvin sakin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagdadrive. Hindi ko siya pinapansin sa pagpilit niya sakin sumama sa Midnight dance bukas.
"Atilah napaka man hater mo talaga. Siguro ako talaga crush mo kaya hindi ka pumapatol sa iba noh? yuck!" Nanginig pa pa si bakla na parang diring diri talaga. Tinignan ko lang siya ng masama.
"Calvin alam mo malapit ko na ibangga tong sasakyan konti nalang!" Tumahimik naman siya habang naghahanap ako ng parking. Nandito kasi kami sa mall. Since graduation na sa susunod na araw kaylangan ko maghanap ng damit sa graduation at hindi sa mid night dance dahil ayoko talaga sumamadon.
"Lets go. You can talk now. Dont burst at me or else i wont talk to you. Madami nang tumatakbo sa isip ko ah wag mo na ko iistress" Banta ko sakaniya pagbaba namin ng sasakyan. Inirapan lang ako ni bakla.
"Don't look at me like that Cal." Tinitignan niya nanaman ako na nakakagagong tingin. Smug look?
"I wont date Theo tomorrow night if you dont come. Im serious" Napatigil ako.Shit! Pag si Theo ang pinaguusapan talo ako sakaniya. God knows how much i like them to date. Masaya siya kay Theo and i want my bestfriend to be happy. At kung ito ang kundisyon..Fuck it he's smart.
"You cant do that Cal. " Umiling iling siya.
"You know i can babe" I raised both of my hands in the air. i gave up. Kilala talaga ako ni Cal.
-----
"Thats the one!" isang minuto na ko nakaharap sakaniya tsaka niya lang napansin ang paglabas ko ng fitting room. Busy kasi sa kakatext! siguro si Theo katext niya.
Umikot pa ko sa harap ng malaking salamit dito sa loob ng Forever 21 para makita kung bagay nga sakin. Dahil labag sa loob kong pumunta dito lang ako namili ng susuotin. Hindi na ko magaaksaya ng panahon sa pagbili ng gown. Sandali lang din naman ako don dahil ayoko naman talaga pumunta don at baka yon pa ang dahilan para makick out ako.
Binili ko ang semi gown na long dress. Peach and black and kulay nito dahil nakakaputi daw sabi ng baklang si Calvin. Hindi ko ipagkakaila na maganda nga talaga tong damit na nabili ko. Simple and elegant ang dating. Bumili na din ako ng heels na 5inch dahil gusto ni Calvin! Pumayag naman ako dahil naisip ko na pwede kong idahilan na masakit na ang paa ko para makauwi na ko.
"Theo? Hello!...Yes darling...Yup done already...Ok honey..Bye!" Napatingin ako kay Calvin na kakapatay lang ng phone niya at ngiting aso.
"Whats with the face?" Iritadong tanong ko.
"Ano ka ba! kinikilig ako kay Theo eh! Inggit ka lang jan eh" Inirapan ako ni bakla. Baliw to.
Naglalakad lakad lang kami ni Calvin ng mapatingin ako sa lalaking nagtitingin ng bulaklak sa isang flower shop. Naka itim na aviators at magulo ang brown niyang buhok. Nakatagilid siya sakin at kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko. He looks familiar..
Binagalan ko ng konti ang paglalakad ko.Nakita ko pang ngumiti ang lalaki sa isang matandang babae na nagtitinda sa flower shop. Napatingin siya sa direksyon ko kaya lalo ko pang nakita ang mukha niya. Biglang tumibok ang puso ko ng napaka bilis. Si...Ash.
"He's here..."
BINABASA MO ANG
Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]
Storie d'amorePosible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah? Magiging happy ending ba ang dalawa o simula na ito ng world war III?