"WHAT THE FUCK was that bro" singhal ni Aries
Tapos na ang klase nila, sila nalamang magkakaibigan ang naiwan sa classroom nila.
Napailing iling nalang si Edward at iba nyang kaibigan kay Aries. Kanina pa ito nagrereklamo tungkol sa bago nilang kaklase.
"Aries wala naman nagsabi sayo na cute, sexy o maganda sya" pangangaral ni Blaster.
"hindi ko naman naisip na ganun pala sya" kontra ni Aries.
Hinayaan ni Edward na magtalo ang dalawa nyang kaibigan. Hangat hindi nagpapatayan ang mga ito wala syang kailangan problemahin.
Muling sumagi sa isip ni Edward ang bagong kamag aral. He can't help his self from smiling.
Those thick glasses paired up with a very thick book. That girl is a total nerd. She's the same girl that he had seen on the convenience store.
Napailing nalang si Edward sa mga naiisip nya. Sa tanang buhay nya ngayon lang sya nakakita ng isang babae na walang pakelam sa iisipin ng ibang tao o sasabihin ng ibang tao.
"bro isipin mo kanina nung pumasok sya" nagsimula namang magkuwento si Aries ng nangyari kanina lang.
TINITIGANG mabuti ni Edward ang babaeng ngayon ay nasa harapan ng klase. Nakasuot ito ng makapal na salamin. May dala din itong makapalna libro. Katulad na katulad nung panahong nakita nya ito sa convenience store. Nakasuot ito ng isang denim jeans, plain t-shirt at sneakers.
"You may take your seat miss Haile"
Kapagkuwan ay lumakad ang dalaga palapit kay Edward. Sa bakanteng upuan sa harap ni Edward ito umupo.
Buong klase na nakatingin si Edward sa dalaga na nasa harap nya. Tahimik itong nakikinig sa diskusyon.
He finds the girl in front of him interesting. For some unknown reason he can't help his self from staring at the new girl.
Nang matapos ang klase. Kagaya ng iba tao sa room. Mabilis na lumabas ito sa kwarto dala ang makapal na libro nito. Nangingiting nailing si Edward.
This is weird. He wants to know more about this new girl.
"Edward ano nginingiti mo dyan? May minamanyak ka sa isip mo no?" pagbabalik sakanya sa kasalukuyan ni Aries.
"Gago wag mo ako igaya sayo"
"Bro you smile like your planning something" pagsingit ni Blake
"Ewan ko sainyo. Kung ano anong pinagsasabi nyo"
Sa hindi malamang dahilan, magaan ang pakiramdam ni Edward sa dalaga. Matapos ang nangyari sakanya. Hindi nya akalain na makakaramdam siya ng ganito para sa isang babae.
Agad nakinuka ni Edward ang kanyang mga gamit "una nako bro may gagawin pa ako" kapagkuwan ay iniwan ni Edward ang mga kaibigan.
NATAGPUAN ni Edward ang sarili na tinatahak ang daan patungo sa library. Agad siyang pumasok at ipinaikot ang mata sa kabuoan ng silid aklatan.
![](https://img.wattpad.com/cover/197415242-288-k682539.jpg)