𝙷𝚂 8

26 2 0
                                        

PADABOG na umalis si Aries na sinundan ni Blake. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng kaibigan niya dahil mas pumapanig ito kay Isabel.

Halos ilang taon na rin ang pagkakaibigan na pinagsamahan nila. At sa matagal na panahon na iyon alam niya kung anong tipo nito sa babae. Kaya naman hindi niya lubos maisip na magkakagusto ito kay Isabel.

"Bro ayos ka lang?"
Tanong ni Blake kay Aries

"Nakakagago yang tanong mo, Ito oh may pasa ako kaya ayos lang ako" he sarcastically said

"Pero grabe si Edward bro mas kinakampihan niya pa yung nerdy na yun"

"Baliw na ata yung kaibigan natin na yun"

"Saan tayo pupunta nito ngayon?"
Tanong ulit ni Blake

"Let's get wasted" seryosong saad nito kaya ng makarating sila sa parking lot at nakasakay sa sasakyan nila

BINIGYAN ni Cliff ng nagtatakang tingin si Blaster at Edward

"Ano bang nangyayari sa inyo? Nawala lang ako ng isang araw nagkaganyan na kayo?"
Inis na singhal nito sa dalawa

Ngunit hindi naman siya pinapakinggan ni Edward

"Vaelen please tell me that you're okay" nag-aalala parin ang tono ng pananalita ni Edward

"A-ayos lang ako Edward." nakayukong sagot nito

"Bro sandali nga, ano ba talagang nangyari?"

Si Blaster na ang nagkwento ng pangyayari kay Cliff dahil busy parin si Edward kay Isabel

"Baliw talaga ang dalawang yun." sabi niya matapos marinig ang buong pangyayari

"Ahm Miss? I'm really sorry for how my friends acted a while ago"
Paghingi nito ng paumanhin

"Ahm ayos lang yun"

"Vaelen dadalin kita sa clinic" kaagad na tumayo si Edward at inalalayan si Isabel na tumayo

"Edward ayos lang ako, ikaw ang dapat na magamot. Dumudugo pa nga yung labi mo eh"

"Eh kung kami na lang ni Cliff ang mag-dala sa inyo sa Clinic? Ang gulo nyo eh" sabat ni Blaster

"Ayos lang din ako, mamaya ko na lang din siguro to gagamutin. Dadating na rin kasi si Miss Frieto."

At tama nga si Edward dahil dumating na kaagad si Miss Frieto at walang reaksyon ang mukha nito

Nagsiupo na sila dahil ayaw naman nilang mapagalitan ng terror na guro nila

" Mukhang nakipagbasag ulo ka muna bago pumasok sa klase ko Mr. Damien ah" poker face na saad ng guro nila

"Wala naman na siguro kayong pakialam doon Miss"

Binigyan ng guro si Edward ng masamang tingin, pasalamat na lamang si Edward at nakapagtimpi pa ang guro nila kaya nagsimula na lamang itong mag discuss

Huling SayawStories to obsess over. Discover now