𝙷𝚂 27

28 3 0
                                    

NAIWAN akong nakatayo habang pinapanood kong makalayo ang Bestfriend ko sakin

Hindi maalis sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Vaelen,H-hindi siya ma process ng utak ko

Gusto ako ng Best friend ko, s-sinisisi niya ako

Is it really my fault? Mali bang pinakita ko sa kanya lahat ng bagay na yon?

Napaupo na lang ako dahil hindi kinakaya ng utak ko ang mga sinabi ni Vaelen.

"Bro ayos ka lang?" Kaylan pa nakalapit sila Cliff sakin bakit ngayon ko lang sila napansin

"Dude bakit ganon si Vaelen? N-nilinaw ko naman sa kanya na hanggang kaibigan lang diba? Na kapatid lang?"

Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko, I should be mad at her right? Yes that's right dapat hindi ako umiiyak e. It's her lost anyway

Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumayo "Bro hindi mo masisisi si Isabel, hindi mo ba naramdaman na iba na yung nararamdaman para sayo ni Isabel? Kasi ako ramdam ko, yung panahon na nagbubulungan kami? Inaasar ko siya sayo, sobrang manhid mo lang yata dahil ikaw lang ang hindi nakakaramdaman na gusto ka ni Isabel" so he knows? Lahat sila ramdam ako lang ang hindi? Tangina naman masyado yata akong naging kampante

"Why didn't you tell me! Bestfriend kita Cliff, dapat yung ganong bagay pinapaalam mo sakin!" I punched him as hard as I could

But knowing Cliff, hindi niya ako gagantihan dahil masyado siyang mabait "I didn't tell you, why? Kasi gusto ko ikaw ang makapansin, ikaw ang makaramdam!"

"Guys take it easy, we're all at fault okay? Madadaan to sa matinong usapan" singit ni Aries

Napayuko na lang ako ngunit agad din akong nagtaas ng tingin ng maalala kong may kasama nga pala ako

"Where's Sabina? Nakita niyo ba si Sabina?" Nagkatinginan ang mga kaibigan, anong meron?

"Answer me!"

"Gusto mong malaman? Nandoon sa loob nakikipaglandian ayos kana? Sunduin mo baka makabuo pa sila ng kasama niya" wala na akonh pinalampas na oras, tumakbo ako papasok sa loob ng event

Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Sabina, and there I saw her kissing another guy. Parang sobrang saya nilang dalawa habang naghahalikan

Naglakad ako palapit sakanila, pinipigilan ko ang sarili ko na saktan silang dalawa

"Babe that's enough, umuwi na tayo" mahinahon kong aya sa kanya, kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya

Kaagad siyang humiwalay sa lalaki at tumayo. Tinalikudan ko siya at naunang naglakad

Hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahabol niya ako "B-babe let me e-explain" ang tanga ko diba? Nakita kong harap harapan na akong niloloko pero nagagawa kong pigilan ang sarili kong magalit dahil ayokong mawala sakin ulit si Sabina, wala na akong pakiaalam kung lokohin niya ako, gamitin niya ako. It's all fine as long as she's here with me

Huling SayawWhere stories live. Discover now