KAAGAD na lumipas ang araw at ngayon ang araw ng company meeting
Maaga akong nag-ayos dahil ayokong malate sa meeting na yun, abot abot ang kaba ko dahil ngayon ko lang gagawin ito
Mabuti na lang at nasabi ni Kuya na hindi ko naman kaylangan masyadong magsalita, kaylangan ko lang magmasid at makinig ng mabuti sa reports. Pwede din daw akong magtanong paminsan
Ngayon ay kausap ko si Edward,naka facetime kami ngayong dalawa
"Vaelen gusto mo samahan kita?" Ayoko lalo lang akong kakabahan kapag nasa tabi ko siya
"Hindi na kaylangan Edward kaya ko to, fighting sakin" ahhhhh ayoko naaaa
"Ayaw mo akong kasama? Grabe kang kaibigan you're so mean" nagpapacute nanaman ang isang to sa akin,gawain niya na yata yan kapag ako ang kaharap eh
Nag-init ang pisnge ko dahil sa naisip ko, kung ano ano nanamang pumapasok sa utak ko
" Wag kang magpacute, hindi uubra sakin yan" He pouted, Omg! Ang cute talaga niya
Joke lang naman yung hindi uubra eh, ayoko mang aminin pero ang lakas ng impact sakin. Hindi ko idedeny may gusto na ako kay Edward pero ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil sa nararamdaman ko
"Sama na kasi ako, Pleaseee" I sighed before answering
"Fine,sumama kana. You need to be here by 10 am. It's already 9 kaya magayos kana at pumunta dito" lumapad ang ngiti dahil sa pagsang ayon ko
"Yes boss!" Sumaludo pa siya kunwari dahilan para matawa ako, siya na din ang nag end ng tawag
Nakasuot ako ngayon ng isang formal attire dahil sabi ni Kuya yun daw ang isuot ko. Buti na lang at mabilisan lang daw ang meeting nila tuwing sunday dahil gusto din naman daw ni Kuya na makasama ng mga trabahador ang pamilya nila which is good dahil as a CEO naiisip niya parin ang kapakanan ng nga employees
Lumabas na ako saka nilock ang pinto at ang gate, sa labas na ako naghintay kay Edward dahil gusto kong umalis kaagad
Hindi nagtagal ay dumating siya,kaagad naman akong sumakay sa sasakyan niya
"Hey" bati niya sakin habang nakangiti "Ang formal ng suot mo ngayon,Should I call you boss?" Pinagtitripan nanaman ako nito eh
"Wag ka nga, macoconscious ako lalo sa ginagawa mo eh"
Tinawanan niya lang ako at nagsimulang magmaneho"Pagdating natin doon wag kang kakabahan ha, alam ko kaya mo yan" He's kind words make my heart flutter
"Thank you Edward, that's what I needed right now" I gave him a small smile
Pagkatapos nun ay hindi na kami muling nag-usap
Pagkapark niya ng sasakyan ay tinignan ko muna ang sarili ko kung maayos na ba ang itsura ko o ano
"Hihintayin kita dito, pagkatapos ng meeting I'll treat you" sa mga sinasabi niya lalo lang akong nahuhulog sa kanya