MATAPOS naming magkaayos ni Edward, nagpaalam na din siya aalis dahil may gagawin pa ito. Umalis na din si Trev pagkatapos magamot ang sugat niya.Muli ko nanaman naalala ang nangyari kanina. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. 'Why did I close my eyes and let him kissed me?'
Alam ko sa sarili ko na si Edward ang mahal ko. Sa ilang araw naming magkasama, alam kong masaya ako sa mga araw na iyon. But after Trevor kissed me I'm starting to doubt my feeling for Edward.
His willing to wait for me. He even proposed, I should be happy right? Sa simula palang ito ang gusto ko. Ang mahalin ako ni Edward katulad ng pagmamahal ko sakaniya. Pero bakit parang hindi naman ako masaya. Bakit parang may kulang.
"You okay?" Tanong ni Sei na tumabi saakin ng upo dito sa garden.
"Edward wants to marry me."
"Yun naman pala diba dapat masaya ka? Bakit parang tanga ka dyan nakatitig sa kawalan?"
"I dont know, Parang may kulang Sei."
"Bruha pag isipan mong mabuti. Wag kang kumilos ng dahil lang sa nabigla ka o dahil nasaktan ka." Makahulugan niyang wika bago ako iniwang magisa dito.
Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon. It was a text from Trevor.
From: Trev
Save ayos ka lang ba? Sorry sa nangyari kanina, I just miss you so much.Hindi ako nagreply at nagpasyang pumasok sa loob ng bahay. Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako.
Few days had past, Edward and I were in good terms. Madalas parin dumalaw si Trev dito sa bahay kasama si Lotus.
Sinigurado ko na laging alam ni Edward kung nandito si Trev sa bahay. Ayaw ko nang maulit yung away nila last time.
Sa ngayon kasama ko si Lotus, Sei at Trev dito sa garden. Nag uusap sila tungkol sa bagong dish na idinagdag sa menu sa resto ni Trev. Nakikita kong nagtatawanan sila at nag aasaran habang ako nakamasid lang sakanila.
Nagawi ang paningin ko kay Trev, he was laughing along with Sei and Lotus pero hindi umaabot sa mata niya ang saya. Para bang tumatawa lang siya dahil tumatawa ang mga kasama niya. Pero sa loob loob niya his not happy.
Muli kong naalala yung panahon na una kong nakilala si Trev, ang sungit niya ng mga panahon na iyon. We became close to each other. Pero ngayon habang tinitignan ko siyang tumawa ibang iba na siya sa Trevor na nakilala ko noon.
Wala nang saya sa mata niya, walang kahit anong emosyon. I knew I was the reason why he became like that. Ilang beses ko na ba siyang sinaktan. Ilang beses na ba siyang umasa at umiyak ng dahil sakin. Ilang beses na ba siyang nagmakaawa at ilang beses ko na siyang pinagtabuyan.
Pero nandito parin siya. Smiling in front of me like nothing happened. Parang hindi siya nasaktan ng ilang beses.
"Bakit umiiyak ka?" Sei ask.
Doon ko lang din napansin na sunod sunod nang tumutulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero may sumakit sa dibdib ko ng makita kong nagiwas ng tingin si Trevor. Nagsimula siyang maglakad palayo.