ARAW ng lunes, ngayon ang araw na pinangako ni Vaelen sa mga kaibigan na papasok na siya
Maagang bumangon si Vaelen kaya maaga din niyang natapos ang morning routine niya,kasalukuyan silang kumakain ng pinsan niyang si Seijin
"Bruha sure ka bang papasok kana?" Tango lamang ang sinagot ni Vaelen sa pinsan
"Hey kapag nagkaproblema tawagan mo kaagad ako ha?" She just nod
"Ano ba Vaelen ganyan kana lang? Para akong nakikipag usap sa hangin. I hate you" padabog na binitawan ni seijin ang kubyertos saka pumasok sa kwarto niya
Habang si Vaelen naman ay nagpatuloy na lang sa pagkain niya. Nang natapos ito siya na ang nagligpit ng pinagkainan nila ng pinsan
Pagkatapos ay pinuntahan niya ang pinsan na ngayon ay nag-aayos ng gamit nito "Sei, I'm sorry. Sana maintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito" niyakap ni Vaelen ang pinsan
"Iniintindi kita pero hanggang kaylan ka magkakaganyan? Dahil lang sa lalaking yun magkakaganyan ka? Sa loob ng dalawang linggo kitang kita ko kung paano mo napabayaan ang sarili mo. Kung ganyan ka mabroken wag ka ng magmahal"
'wag ka ng magmahal'
'wag ka ng magmahal'Yan ang paulit ulit na narinig niya ngayon
"Sei p-papasok na ako ha"
NANG makaalis si Vaelen ay naiwan akong mag-isa dito
Did I upset my cousin? Tama lang naman na sinabi ko yun diba? Sinabi ko yun para din naman sa kanya diba? Nasobrahan ba ako?
Lumabas ako ng apartment tsaka nilock ang mga pinto, kinuha ko sa bulsa ang susi ng sasakyan
Pinahiram sakin ni Kuya Nico ang isang sasakyan niya para daw hindi na kami mag-abala ni Vaelen na mag-abang ng cab
Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon papasok ng school ng mag ring ang phone ko
Sinagot ko ang tawag and It's Trevor, Vaelen's so called boyfriend
"Hey ahm Sei, gusto ko lang itanong kung pumasok na si Save? Saka kung kumain ba siya bago pumasok?" To be honest ang swerte ng pinsan ko sa lalaking ito, kitang kita ko kung gaano niya kamahal si Vaelen
Kaya lang tanga yung pinsan ko e, sa maling tao nahulog tsk
"Yes pumasok na siya at kumain din siya bago pumasok. Ayos kana?" Sakin nanaman tumawag ito, malamang hindi sinasagot ni Vaelen ang tawag niya. Kawawang nilalang
NAKARATING ako sa school, habang naglalakad ako ay hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Seijin
Dapat ba hindi na talaga ako magmahal? Siguro tama ang pinsan ko
