KAHARAP ko ngayon si Edward, nang malaman kong nasaktan si Save dahil sa kanya ay pumunta ako University at kaagad siyang hinanap at sa Parking Lot ko siya nahanap
I want to kill him right now but I can't. I'm not a fucking murderer
"Tell me what do you fucking want?" Naiinip na tanong nito sakin
Kinuwelyuhan ko siya at inundayan ng suntok
INUNDAYAN ako ng suntok ng boyfriend ni Vaelen, ngunit hindi ako gumanti
Muli niya akong inundayan ng suntok at hindi parin ako gumanti. Kayang kaya ko siyang patumbahin pero hindi ko ginawa, alam ko kung bakit siya nagkakaganito
"Damn you for hurting her like that!" I know I'm at fault, I'm such a stupid friend.
"Alam mo ba kung gaano nahihirapan si Save! Hindi niya alam kung paano pa siya makakaharap sa mga tao ng dahil sa ginawa mo! You know how Fragile and Vulnerable she is!" Tinignan ako nito sa mga mata, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya
Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko saka ko siya tinalikuran at sumakay ng sasakyan
Ang tanga ko para gawin yun kay Vaelen, sobrang kahihiyan ang binigay ko sa kanya.
Binuhay ko ang makina at nagmaneho paalis sa lugar na yon, narinig ko ang paghampas ni Trevor sa sasakyan ko bago ako makalayo sa kanya ngunit hindi ko yun pinansin
Hindi ko man lang nagawang tulungan si Vaelen kanina habang sinasaktan siya, bakit nga ba hindi ko siya nilapitan? Bakit hindi ko siya tinulungan?
Maybe it's better to keep it this way, sa ganitong paraan hindi ko siya masasaktan..
TINITIGAN ko ang kapatid ni Trevor na seryosong nagtitipa sa cellphone nito
"Staring is rude Ms. Haile" salita nito saka binaling ang tingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin
"Ang Oa mo napatingin lang naman ako" bahagya itong tumawa at may pag iling pa talaga
"Napatingin ka for about 1 minute?" I rolled my eyes in annoyance
Bakit ba kasi hindi na lang siya umalis kesa inaasar niya ako tsk
Magsasalita pa sana ako ng makita kong pumasok si Trevor, lumapit siya sa akin at marahang niyakap
"Ayos ka lang ba? Pinag-alala mo ako ng sobra" mahinang wika nito
"Ayos lang ako Trev, konting galos lang ito no." Humiwalay siya sa yakap at marahang sinuri ang mga sugat at galos na natamo ko
Dahil doon napansin ko ang kamao niyang may sugat "Your Knuckles, It's bleeding"
"I'm fine Save, ikaw kaylangan mong magpahinga. Bukas ihahatid kita sa University to make sure na walang mananakit sayo"
Natigil kami sa pag-uusap ni Trevor nang tumikhim ang kapatid nito, kasama pa nga pala namin siya "Kuya, kadiri ka. Masyadong cheesy" sa itsura nito ay mukhang diring diri siya sa narinig mula sa Kuya niya