UMAGA na nang umalis ako sa condo ni Edward, dapat ay uuwi ako kagabi kaya lang masyado siyang mapilit at ayaw akong pauwiin
Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa mga ginagawa ni Edward
Dumiretso ako ng Hospital kaagad para bisitahin si Trevor
Pero pagdating ko doon ay wala ng tao sa Hospital Room niya
"Ahh Excuse me, May I ask kung nasaan na yung pasyente sa Room 504? Tanong ko
"Ah si Mr. Trevor Del Fuego po ba Ma'am? Kakalabas lang po ng pasyente kanina."
Lumabas na pala siya pero hindi man lang niya nakuhang sabihan ako
Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa bahay nila, pagkarating ko ay agad akong kumatok
Pinagbuksan ako ng isa sa mga kasambahay nila "Ate si Trevor po ba nandyan?" Kilala na din naman ako dito kaya sigurado akong papapasukin nila ko
"Yes Ma'am, nasa may poolside po. Pasok po kayo Ma'am" nagpasalamat ako saka dumiretso sa Poolside
Nandoon nga siya, tahimik na nakaupo at diretsong nakatingin sa Pool
Nakalubog ang mga paa nito sa Pool, dahan dahan akong tumabi sa kanya
Ni hindi man lang niya napansin na katabi niya na ako, nakapikit pala ang mga mata niya
"Trev.." mahinang tawag ko sa kanya pero sapat na para marinig niya
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong nito sakin, nakapikit parin ito
"Nagpunta ako sa Hospital kanina pero nakalabas ka na pala, nakakatampo ni hindi niyo man lang ako sinabihan" I pouted, dinilat niya ang mga mata niya saka tinignan ako
"Hindi naman lahat dapat ipaalam ko sayo diba?" Masakit pa lang marinig yun galing sa kanya
Siguro ganito rin ang mararamdaman niya kung sa sinabi ko ang bagay na yun sa kanya
"O-oo nga pero kasi nagmukha akong tanga, kung sinabi niyo sakin edi sana dito nako dumiretso" paliwanag ko
" Ako nga matagal nang mukhang tanga, hindi ko nga alam kung mukha lang e, baka tanga na talaga ko" He sarcastically said
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikutungo niya sakin, pati na ng kapatid niya, naguguluhan ako
"Trevor may nagawa ba akong mali? Hindi ko kasi alam kung bakit ganyan yung pakikitungo niyo sakin e, I have no freaking idea"
Alam kong may mali talaga akong ginagawa behind their back, pero hindi naman nila alam yon diba?
"You have no idea? Really? Then you have to find out yourself kung anong ginawa mo, Vaelen, tao lang din ako nasasaktan, napapagod marunong din akong sumuko kung alam kong talo na"
