𝙷𝚂 22

17 2 0
                                    

TULAD nga ng sinabi ni Edward kahapon ay sinundo niya ako sa apartment, mas maaga pa sa inaasahan ko

Dahil ng dumating siya dito ay kagigising ko lang,ngayon ay nasa gymnasium kami ng school dahil may iaanounce daw

Magkatabi kami ni Edward and I can see that he's busy with his phone

"Hey why are you looking at me like that?" Nagtatakang tanong niya sakin

"Nothing, busy ka kasi masyado sa phone mo eh" nagseselos ba ako? Kasi hindi lang siya basta busy sa phone niya, he's texting someone

"Oh sorry, hindi pa naman kasi nagsisimula eh." Tumango na lang ako dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko

Sa kanan ay katabi ko si Edward sa kaliwa naman ay katabi ko si Cliff

Nagulat ako ng ilapit ni Cliff ang bibig niya sa tenga ko saka bumulong "umamin ka, nagseselos ka no?" Hindi ko alam kung ano bang dapat kong ireact sa sinabi niya

"H-hindi no" bulong ko pabalik sa kanya "Really? Wag ako Isabel, alam ko ang ganyang kilos ng mga babae. Kung manhid si Edward ibahin mo ako sa kanya" a-alam naba niyang may gusto ako kay Edward?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Cliff" tinawanan niya muna ako bago sumagot "You're inlove with my bestfriend right?" Napalingon ako sa kanya dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya

Magsasalita pa sana ako ng magsalita si Edward "Hey anong pinagbubulungan niyo? Ang lapit lapit niyo sa isa't isa. At ikaw bro umayos ka"

Hindi sumagot si Cliff at tinawanan lang ang kaibigan, natigil din ito dahil nagsimula na ang pagaanounce

The anouncement started with a short prayer, tapos ay dumiretso na kaagad sa topic

" Siguro naman ay alam na ng iba sa inyo na magkakaroon tayo ng Prom right? Napag-usapan na namin ang date nito" lahat ay parang naging interesado sa sinasabi ng aming school principal

" The set date is February 21,2020. Our theme is Black." May kaonti pang idinagdag sa announcement bago ito natapos

Naglalakad kami ngayon pabalik ng Room nang magsalita si Cliff

"Bro who's your date?" Tanong nito kay Edward ngunit sakin nakatingin

"I don't know? Maghahanap na lang ako sa mismong Prom tutal marami naman ang interesado na maging ka date ako" I'm hurt, nasaktan ako dahil akala ko, umaasa ako na yayayain niya akong maging date

Ang sakit pa lang mag expect,sabagay sino ba naman ako para ayain niya diba? There's so many pretty girls out there unlike me, I'm just a no one in this school

Huling SayawWhere stories live. Discover now