𝙷𝚂 44

19 2 0
                                        

ISANG linggo ang nakalipas pero hindi ko parin kinakausap si Edward kahit na ilang beses na siyang humingi ng tawad

Lahat ng tawag at text niya ay hindi ko sinagot at sa loob din ng isang linggo ay palaging bumibisita si Trevor

Katulad na lang ngayon, nandito nanaman siya. Hindi na ako nag-abalang itaboy siya, nakakasawa na din kasi dahil paulit ulit na lang. Isa pa ay sinama niya si Lotus

Tahimik kaming nakaupo at nakatingin sa mga bulaklak, nasa garden kami together with Lotus and Sei

"Ay ano mga bakla staring contest ba ito? Wala talagang magsasalita?"

As always, hindi niya talaga kayang matagalan na tahimik yung mga nasa paligid niya

"Bakla ka talaga" pang-aasar ni Sei

"Tanga babae ako, babae po ako!"  Gosh para silang baliw na dalawa kaya hindi ko napigilan ang matawa

"Ay nakakatawa yon teh? Happy?"

"Happy thanks to you" Sabi ko saka niyakap siya

"Yuck bakla ka hindi ako pumapatol sa babae! Layo eww!" Ang arte! Parang siya pa ang lugi

"Doon ka kay Papa Trevor yumakap wag sakin!"

"Tanga yung bunganga mo itahimik mo"  sigaw ni Sei sa tenga mismo ni Lotus saka tumakbo, kaagad naman siyang hinabol nito hanggang sa kami na lang ni Trevor ang naiwan sa garden

"It's nice to see you smile babe" napatingin ako sa lalaking kaharap ko

"Trevor hindi ba pwedeng tumigil ka na lang? Alam mong hindi tayo pwede, may mahahanap ka pang iba Trev yung mas better sakin at higit sa lahat yung kayang suklian yang nararamdaman mo"

Napapagod na kasi ako, Mahal ko si Trevor pero kaibigan lang talaga

"Let me change your mind"

"What do yo---" I was cut off because he suddenly kiss me

Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na to, hindi ako nakagalaw dahil doon

Napapikit ako, hindi ko alam kung bakit ginawa ko yon

Napadilat na lang ako ng naghiwalay ang mga labi namin, akala ko kusa siyang humiwalay but then I was shocked because he's already in the ground and Edward's beating him

"You fucking bastard! How dare you kiss her!" Hindi siya tumigil sa pagsuntok kay Trevor

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko

Mabuti na lang at dumating si Kuya Sam together with Seijin and Lotus kaya naawat sila

"E-edward" tawag ko dito pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin

He's sitting on the ground and he's pinching the bridge of his nose

Si Trevor naman ay kaagad na pinasok ni Kuya Sam sa loob ng bahay

Huling SayawStories to obsess over. Discover now