YEARS had passed, ang parang bata na si Vaelen noon ngayon ay makikitaan mong Kilos dalaga na ngayon, wala na din ang makapal na salamin nito at natuto nang dumepende sa contact lenses na inaayawan nito noon
Nang maka graduate siya ng Senior Highschool ay nagpatuloy siya ng pag-aaral sa college at nagpatuloy din ang pilit na relasyon nila ni Trevor
Habang si Edward naman matapos nilang gumraduate at hindi na sila muling nakapag-usap pa. Kinalimutan nila ang pagiging magkaibigan dahil sa isang pagkakamali
Si Trevor naman ay hindi na nagtatrabaho sa Distillery na hinahawakan ni Nico. May-ari na ito ngayon ng isang Restaurant. Galing si Trevor sa isang marangyang pamilya kaya hindi na nakapagtataka na nagkaroon ito ng sariling business
Matagal na panahon tinago ni Trevor ito kay Isabel ngunit kalaunan ay inamin din nito ang tunay na estado ng buhay niya ng mag resign ito sa trabaho
Magkasama ngayon si Isabel at Trevor, bumisita si Isabel kay Trevor hindi bilang girlfriend nito kundi bilang isang kaibigan
"Kamusta naman ang bakasyon mo sa US? Anong sabi ni Tita Claire nung makita ka?" Tanong ng binata kay Isabel
"It went well I guess? Noong makita ako ni Mom and Dad doon, kitang kita ko kung paano sila naging masaya. Maybe they misses us so much. Pagkarating ko doon tinanong kaagad ako ni Mom tungkol sayo" sagot nito sa binata
Nakilala ng ina ni Isabel si Trevor dahil kay Nico, hindi naging sang-ayon si Nico sa relasyon ng dalawa kaya napagdesisyunan nito na sabihin sa magulang nila ang ginawa ni Isabel. Inaasahan ni Nico noon na paghihiwalayin si Trevor at Isabel ngunit kabaliktaran ang nangyari
"I missed you Save" ani ng binata, tumayo ito upang tumabi kay Isabel at niyakap ng mahigpit "I missed hugging you, kissing you, I missed everything about you Save"
Gumanti ng yakap ang dalaga, hindi niya maitatanggi na mas namiss niya pa ito kaysa sa Kuya niya "Namiss din naman kita pero hindi yung kissing thingy Trevor" asar nito sa binata
"Let's have a date Save" humiwalay si Isabel mula sa pagkakayakap at tinignan mabuti ang binata
"Ayos ka lang? Date ka dyan, nabalitaan kong ikaw ang Chef ngayon" kahit kasi na may Chef sa restaurant na ito hindi maiwasan ni Trevor ang makialam sa kusina
Kaya ang ginawa niya nakikipagsalitan siya sa Chef na incharge upang mapanatag ang loob nito, mayroong araw kung saan siya ang Chef "Ah don't worry about that. Si Timothy ang kapalit ko ngayon, nakiusap ako sa kanya na siya muna ang pumalit sakin because I want to take you out somewhere"
"Tumigil ka Trevor, bukas na lang tayo mag date hmm? Free mo yun bukas ibang Chef ang mag take over right? Kaya bukas na lang ayokong pabayaan mo ang business na tinayo mo dahil lang nandito ako" sabi ni Isabel kaya walang nagawa si Trevor kundi ang sumunod na lang sa gusto nito