𝙷𝚂 4

41 5 0
                                    

MATAPOS kumain nagkaroon lamang ng maikling kwentuhan sina Isabel at Edward.

Kahit na ngayon niya pa lamang nakausap ng maayos si Edward pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala. Palagay ang loob niya sa binata.

Ilang minuto lamang nagpasya na ang dalawa na bumalik sa silid aralan.

"M-mauna kana dadaan pa ako sa restroom" pagdadahilan niya. Ngunit ang totoo ayaw niyang makasabay ang binata. Alam niyang lalong iinit ang dugo ng mga babaeng makakakita  sakanila.

Tumango nalang si Edward, si Isabel naman ay agad na nagpumasok sa restroom. Naghintay siya ng ilang minuto matapos ay lumabas na din siya.

Naglakad ang dalaga pabalik sa classrooms niya ng biglang may sumabay ng lakad sakanya.

"Edward" sambit niya sa pangalan ng binata. Akala niya ay nauna na itong bumalik pero heto ang binata kasabay niyang maglakad

"hmm-mm?"

"akala ko nauna kana bumalik"

"nah....naisip ko na baka bumalik yung mga babae na nangbully sayo kanina"

"kaya ko naman sarili ko"

"I have to make sure that your safe" nagtataka niya itong tinignan kaya naman muling nagsalita ang binata "dahil kaibigan kita" dugtong  ng binata na parang naintindihan nito ang nagtatanong niyang tingin.

Nanahimik nalamang si Isabel at hinayaan niyang sabay silang pumasok ng binata. Wala siyang magagawa, wala siyang maisip na ibang dahilan para layuan pa ang binata. Masyadong mabait si Edward sa kanya

Pagkaupo nila ay pareho na silang tahimik, nakamasid lang si Edward sa babaeng nasa harap niya

Nang dumukmo si Isabel ay kinuha ni Edward ang pagkakataon na yun para kausapin ang katabi ni Isabel

Nakipagpalit siya ng upuan sa katabi ni Isabel kaya ngayon sila na ang magkatabi ng binata

Nagtatakang tinignan nila Aries ang kaibigan nilang si Edward

"Bro tignan mo si ugok tumabi kay nerdy"
Bulong ni Aries kay Blaster

"Gago tumahimik kana lang"
Napasibangot si Aries sa narinig niya

"Wag nyang sabihin na gagawin niyang kaibigan ang nerdy na yan?" singit ni Blake sa usapan ng dalawa.

"Guys hayaan na lang natin si Edward, Oo best friend natin siya pero hindi naman pwedeng tayo lang ang maging kaibigan niya diba?"
That's Blaster, sa kanilang lahat kasi si Blaster ang pinakamaaasahan ni Edward bukod kay Cliff

Dumating ang professor nila kaya agad na inayos ni Isabel ang sarili niya

" Hi Vaelen! "
Nagtatakang lumingon ang dalaga sa ngayong katabi niyang binata

" Hoy bumalik kana sa upuan mo Edward"
Bulong nito

"Dito nako nakaupo, nakipagpalit ako"
Nakangiti nitong sagot kay Isabel

"Bakit hindi ka dun sa mga kaibigan mo tumabi?"

"Kaibigan kaya kita"
*Pouts*

'Tama ba yung nakita ko?' tanong ng dalaga sa sarili niya. Kitang kita ng dalawang mata niya na ngumuso ang binata. Kahit wala siyang salamin ngayon ay malinaw niyang nakikita ang binata.

Dahil sa pagkabigla sa ikinilos ni Edward. Hinayaan nalamang ni Isabel na maupo ito sa tabi niya. Wala namang malisya. Uupo lamang si Edward sa tabi niya yun lamang at wala nang iba.

Huling SayawWhere stories live. Discover now