MATAPOS maligo, agad na umalis si Cliff upang puntahan si Edward. Tumawag ito kanina upang sabihin na magkita sila.
Ilang beses pang inamoy ni Cliff ang sarili upang masigurado na wala na ang mabahong amoy ng basura. Nang makarating sa bahay nila Edward, agad na tinungo ni Cliff ang kwarto ng binata. Madalas silang tumambay dito kaya naman ayos lang kung pumasok siya ng walang paalam.
"Cliff ikaw pala" ani ng ina ni Edward ng makasalubong niya ito.
Matapos magkamustahan ay nagtungo na si Cliff sa kwarto ni Edward.
Nadatnan niyang nakaupo ang binata sa veranda ng kwarto nito at umiinom ng alak. Nang makalapit ay nagsalin din ng alak sa baso ni Cliff. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit siya pinapunta ni Edward dito. Alam na alam niya ang dahilan sa likod ng pagalis nito kanina.
"Bro you okay?"
Wala siyang natanggap na sagot mula sa kaibiganTanging pagyuko lamang ang nagawa ni Edward
"Alam mo bro, ayos lang na magkaganyan ka kung mahal mo pa. Pero natatandaan ko ang sinabi mo sakin Edward." seryosong ani nito
Sa pangalawang pagkakataon ay wala parin siyang natanggap na sagot mula sa kaibigan
"Bro I told you that I already moved on, and that's the truth. Pero yung tanong sakin kanina,Love? I don't believe in love anymore because of what she did to me."
Alam ni Cliff na nahihirapan ang kaibigan nya ngayon,siya ang pinaka nakakakilala sa buong pagkatao ni Edward
"Bro wag kang OA diyan,itigil mo na ang pagdadrama mo diyan dahil mas malala ka pa sakin."
Nakangiting turan nito"Hayop ka talaga"napangiti na rin si Edward dahil sa kaibigan. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nito iniwan
"Nga pala, what's with you and Isabel?"binigyan ni Cliff ng makahulugang ngiti si Edward
"She's my friend"
"Friend lang talaga? Hindi mo type?"nanunukso ang tono ng pagsasalita ni Cliff
Sapakin ko kaya to
"Friend lang talaga, parang kapatid ang tingin ko dun." Sagot ko saka uminom
"Kung ganon pwede bang akin na lang siya? Tutal di mo naman siya type eh hahahaha"
"Cliff wag mong subukan na gaguhin siya,kundi sasapakin talaga kita" seryosong saad nito
"I'm just joking, Hindi naman pwedeng maka move on kaagad ako no"
"Oh tama na baka umiyak ka nanaman eh,sakit mo sa mata kapag umiiyak"
Pang-aasar nito kay cliff
"Tangina ka talaga"
Kung ibang tao siguro ako makakakita sa dalawa ay iisipin na may namamagitan sa kanila pero wala eh close talaga silang dalawa