SERYOSONG nakatingin si Sei sa akin na tila sinusuri ang bawat reaksiyon ko
"You can't blame Kuya Nico, He's acting like that kasi nasaktan din siya. Iniisip niya na may kasalanan din siya sa nangyari"
"Pero Sei wala nga siyang kasalanan, Lahat ng ginawa ko it's my own decision wala siyang tinurong mali sa akin except the fact that he's pushing me to love Trevor" ilang araw na din akong hindi kinakausap ni Kuya, pag tatanungin ko naman siya ay isang tanong isang sagot lang
"So you're saying na mali si Kuya dahil pinipilit ka niyang mahalin si Trevor? There's nothing wrong with that, kung ako ang nasa posisyon ni Kuya ganon din ang gagawin ko kasi nakikita ko naman kung gaano ka kamahal ni Trevor"
Hindi na lang ako sumagot kasi kahit naman anong sabihin ko mali at mali parin ako sa paningin nila
" Btw how's Trevor? What did he say?" Sunod sunod na tanong nito sakin
"Hindi parin siya sumusuko Sei" hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang sinabi niya
' Vaelen, I'm really sorry because I can't and I won't let you go'
"Malamang sa tagal niyang nag-intay sayo sa tingin mo ganon ganon na lang siya susuko? Eh si Edward? Alam ba niyang nagkita kayo ni Trevor?"
Umiling ako bilang sagot "Vaelen don't make the same mistake again. Kung ayaw mong magkalabuan kayo ni Edward you should tell him kung saan ang lakad mo, sinong kasama mo"
Hindi ba masyadong OA ang bagay na yon? "Don't look at me like that, I know what you're thinking. Wag mo sabihin ulit sakin yang Kaylangan ba talaga lahat ipaalam ko sa kanya?" Tsk naalala niya pa yon
Napasimangot na lang ako sa sinabi niya, siguro ganito ang ginagawa niya Kay Matt tsk
KASALUKUYAN akong namimili ng pagkain para dalin kila Vaelen, I texted her na pupunta ako sa kanila
"What a coincidence anong ginagawa mo dito?" Nang lingunin ko ang nagsalita, I saw Trevor looking directly to me
"I'm here to buy foods for my girlfriend" I emphasize the word girlfriend, kitang kita ko ang pagtiim ng bagang nito
"Really? Dito talaga?" Natatawang tanong nito sakin
"Yes, alam ko kasing madalas siya dito kasama ang pinsan niya" ngumiti ito ng nakakaloko