NAPAGDESISYUNAN ko munang umuwi sandali sa bahay habang hindi pa nagigising si Trevor, mabuti na lang at nandoon na si Timo kaya may magbabantay sa kanya
Pagkauwi ko ay naligo kaagad ako saka nagbihis
Babalik na din kaagad ako sa Hospital, gusto kong masigurado na ayos si Trevor
Bumaba ako saka nagpunta saglit sa Dining room para magpaalam kay Kila Kuya Nico at Kuya Sam pati na kay Sei
Naabutan ko silang tatlo na nag-aalmusal "Oh kakadating mo lang aalis kana? San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kuya Sam sakin
"Kuya babalik ako sa Hospital, naaksidente si Trevor gusto kong nandoon ako kapag nagising siya"
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin, mamaya sasaglit kami sa Hospital okay?" Sabi ni Kuya Nico
"Ako din sasaglit na lang doon mamaya bruha, alam mo naman kaylangan bantayan ang business natin" Yes, me and seijin may tinayo kaming business na dalawa
Mabuti na lang at sumisikat ang Clothing Line naming dalawa, mas hands on si Sei sa bagay na yon
"Alright, aalis nako. Hintayin ko na lang kayo bye love you guys"
Nagmamaneho ako papuntang hospital ng makatanggap ako ng mensahe galing kay Edward, kaya nag U-turn kaagad ako para pumunta sa Condo niya
NANG makarating ako sa tapat ng Unit niya ay kumatok ako kaagad
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto, agad na sumilay ang ngiti sa mukha nito ng makita ako
Hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit, sinarado niya ang pinto gamit ang paa niya
"Good morning love" nagulat ako sa way ng pagtawag niya sakin, I'm not used to it
"G-good morning, so kamusta na ang pakiramdam mo? Sabi mo masakit ang ulo mo?" Humiwalay ako sa yakap dahil amoy alak pa siya
"Hmm hangover e, Ang mahalaga nandito ka na" saka niya ako muling hinatak palapit sa kanya para yakapin
"I suggest you take a shower first, ipaghahanda kita ng soup"
"Alright, I love you" he said then gave me soft kisses bago siya nagtungo sa kwarto niya
I'm sorry Trevor, hindi ko gustong gawin sayo to pero mahal ko e
Sinimulan ko ang pagluluto, nang matapos ako ay naglagay ako nito sa bowl at nilapag yon sa mesa
Lumabas si Edward sa kwarto niya, he looks so handsome. He's wearing a sweatshirt and a b-boxer shorts
What the hell bakit ba naka boxer lang siya? Nag-iwas ako ng tingin saka tinuon ang pansin ko bowl na inihanda ko
Naupo siya at nagsimulang kumain "may gamot ka ba dyan para sa hangover?" Umiling siya bilang sagot
"Gusto mong ibili muna kita?" Tanong ko ulit sa kanya
"Nah, just stay here with me. Come here" tinap niya ang hita niya senyales na gusto niyang umupo ako doon