"HEY! You're spacing out Vaelen" geez! Sana hindi niya nakitang sa kanya ako nakatitig
"S-sorry" paghingi ko ng paumanhin, Gosh Vaelen umayos ka!
Ngiti na lang ang isinagot ni Edward sakin, buti naman at hindi niya napansin na tinititigan ko siya
Nag-intay kami para sa susunod na klase pero nag announce ang class president namin na nagkaroon daw ng biglaang meeting ang mga teacher
Dahil dun ay sobrang nagsaya ang mga kaklase ko at saka sila nagsialisan hanggang sa kami na lang nila Edward,Cliff, at Blaster ang natira sa loob ng classroom
"Saan tayo nito ngayon bro?" Tanong ni Cliff
"Why don't you get some sleep, you look like a fucking zombie! Look at your eyes tsk" sagot ni Edward sa kaibigan, bat ang cute ng dalawang to
"I'm perfectly fine bro, so why don't we go out? I mean the four of us" pag-aaya ni Cliff, four? Ibig bang sabihin nun ay isasama nila ako
Magandang idea naman yun kaya lang bakit kaylangan kasama ako? Hindi ba pwedeng sila na lang tatlo
" Maganda yang naisip mo bro, pero mas maganda kung libre mo" that's Blaster
"Don't worry It's on me, basta sasama si Vaelen" and that's Edward,gosh nakaka pressure sila
Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila dahil ayoko naman na sabihin nila na masyado akong paimportante
Nagmamaneho ngayon si Edward at sa shotgun seat naman si Blaster, kanina ay nagtatalo pa sila kung sino ang uupo sa tabi niya dahil gusto niya ako ang umupo sa tabi niya
Kaya ngayon ay nakabusangot ang mukha niya,mukhang na badtrip talaga siya
Papunta kami sa Restaurant na pagmamay-ari nila Cliff kaya nga nagrereklamo ito kanina dahil akala niya ay makakalibre na siya
"Napakadaya talaga akala ko naman libre mo na bro" pagrereklamo niya
"Wag ka ngang mareklamo, hindi pa naman dun ang last destination natin"
"Magpatugtog na nga lang tayo" si Blaster ang nagpapatugtog sa loob ng sasakyan at kasalukuyan na nakaplay ang kantang Can't help falling in love by Elvis Presley
Nang magtagal ang kanta ay hindi ko napigilan ang sarili ko na sumabay sa kanta
Like a river flows
Surely to the sea
Darling so it goes
Somethings are meant to be
Nahinto ako sa pagkanta nang biglang sumabay si Edward sa pagkanta ko
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
Habang kinakanta niya yun ay nakikita ko ang pagsulyap niya mula sa salamin, pero hindi ko pinansin yun dahil nakuha niya ang atensyon ko dahil sa pagkanta niya
