I'M looking for my sister right now,kanina lang ay nandito siya sa Living room
"Ahm Manang have you seen Vaelen?" Tanong ko kay Manang
"Lumabas siya Iho, sundan mo na lang" sagot nito kaya dali dali akong lumabas
Wala siya sa garahe, nakita kong medyo nakaawang ang gate kaya naman dumiretso ako doon at bahagyang binuksan yon
Nasa labas nga siya, she's sitting on the gutter while looking up in the sky. Mukhang malalim ang iniisip niya
I'm looking for her because I feel like she needs me, nitong nga nakaraan kasi ay hindi kami masyadong nakakapag-usap dahil pareho kaming wala sa bahay palag
Kapag umuuwi naman ako galing sa factory ay minsan wala parin siya ea bahay kahit gabing gabi na
Tahimik ko siyang tinabihan saka tumingin din sa langit. Naramdaman kong inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko
"Hey, mukhang ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?" Rinig ko ang malalim na buntong hininga niya
"Kuya I'm sorry"
"Why are you saying sorry to me? Ano bang nagawa mo?" Wala naman kasi akong natatandaan na may nagawa siyang kasalanan sakin
"Hindi ko nagawa yung gusto mo, diba ayaw mong masaktan ko si Trevor? Pero Kuya nasaktan ko na siya, wala na kami" hiwalay na sila? Bakit ngayon ko lang nalaman to tsk
"Kaylan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin to? Anong dahilan?" Sunod sunod na tanong ko
"Recently lang Kuya, I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi ngayon lang din kasi nagkaroon ng time" nasagot niya yung dalawang tanong ko pero yung huli ay hindi
"Anong dahilan?" Pag-uulit ko ng tanong
Inalis niya ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat ko saka ako tinignan "There's no point of saying na wag kang magagalit cause I know you will" sandali siyang huminto sa pagsasalita "I don't know kung matatawag bang cheating yung ginawa ko pero siguro nga cheating yon. Kuya bumalik si Edward and he told me na mahal niya ako, mutual na kami ng nararamdaman. Me and Edward, we're together"
"Nung araw na nagkita kami ni Edward para mag-usap, hindi ko alam na nandoon si Trevor, He saw us kissing kaya siguro siya naaksidente"
Nasaktan ako para kay Trevor, He's a good guy. Boto ako sa kanya para sa kapatid ko. Aaminin ko galit ako sa kapatid ko maging kay Edward
"How can you do that to him? Vaelen, naghintay siya sayo! Hinintay ka nung tao ng sobrang tagal, hindi ka man lang ba naawa sa kanya! Honestly nasasaktan ako para kay Trevor, But I'm sure na mas nasasaktan siya dahil sa ginawa mo! Kitang kita ko, ramdam ko kung gaano ka kamahal ni Trevor, hindi mo naisip man lang yon!"