𝙷𝚂 23

28 2 0
                                    

TAHIMIK kaming dalawa ni Edward sa loob ng sasakyan, hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung bakit ganon ang nakita ko kay Trev. Pain is visible in his eyes, pwede namang imagination ko lang yun diba? Yes imagination ko lang yun

"Vaelen you okay? You look bothered?" Me? Bothered?

"Ah wala to, don't mind me"  sagot ko saka itinuon ang pansin sa daan, ganon din ang ginawa ni Edward

Kumunot ang noo ko dahil sa daang tinatahak namin, hindi ito yung way papuntang apartment

" San tayo pupunta? Hindi ito ang way papuntang apartment Edward" bakit naman kasi kaylangan pa akong sunduin at ihatid ni Edward, ganyan palagi ang ginagawa niya pero kung minsan ay pumapalya din

At dahil sa ginagawa niya mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya,nakakatakot dahil baka sa sobrang pagkahulog ko sa kanya at hindi na ako makaahon pa

"Ah ano kasi, gusto kong ipakita sayo ang condo ko" nabanggit niya nga kanina ang tungkol sa condo niya

"Bakit sa condo kana nakatira? Pano na ang Mom and Dad mo?" Hindi ko maiwasan na mag-alala para sa mga magulang niya

"Let's not talk about it" maikling sagot nito, hanggang ngayon ay galit pa din siya sa mga magulang niya

Nakakalungkot isipin na baka kung kaylan huli na ang lahat dun pa siya magsisi

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa condo niya, kasalukuyan kaming nasa loob ng elevator, pinindot nito ang 50th

Apat kaming nasa loob ng elevator kasama ang isang batang babae at ang mommy nito

" Ate?" Kinalabit ako ng bata dahilan para mapalingon ako sa kanya "Ate is he your boyfriend?"

"Via stop it!" Saway ng mommy niya sa kanya "No cutie, he's not my boyfriend." Lumuhod ako sa harap ng bata saka inabot ang kamay nito.

Ang cute cute niyaa, meron siyang malaporselenang balat, kulay brown ang mga mata nito at may mahaba siyang kulay itim na buhok

"Why? That's sad Ate, Kuya why don't you court her? You two look good together" she said bluntly, san kaya nito napagkukukuha ang mga sinasabi niya

Lumuhod din si Edward sa harap ng bata saka nagsalita "I can't cutie, she's my bestfriend" nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig ko, bakit naman kaylangan niya pang sabihin yun? Alam ko naman na kaibigan niya lang ako

"Btw What's your name cutie?" I asked changing the topic

"I'm Via Denisse po, Omg! Mommy it's our floor na!" Ng bumukas ang pinto ay hinatak nito ang Ina palabas saka muling lumingon sa amin

"Kuya! She likes you!" Pahabol nito bago sumara ang pinto

Tumayo kaming dalawa, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ng bata kay Edward. " Vaelen you like me?" Seryosong tanong nito sakin

"O-ofcourse I like you as a friend, i-ikaw ha masyado kang naniniwala sa bata" kahit anong pilit kong maging kalmado ay hindi ko magawa

"Glad to hear that" hindi na ako sumagot, nakarating kami sa 50th floor, huminto kami sa tapat ng Room 3026

Kinuha niya mula sa wallet ang Key Card ng condo niya, ng mabuksan ang pinto ay inanyaya niya akong pumasok

Huling SayawWhere stories live. Discover now