PAGKADATING namin ni Seijin sa bahay ay bumungad sakin agad si Trevor
Sinalubong niya ako ng yakap "Can I ask you something?" Tanong nito sakin, hindi parin siya bumibitaw sa yakap
"Yeah" tanging sagot ko
"Kanina nung tumawag ako sayo, you said that word Save. Hindi ako pwedeng magkamali" na guilty ako bigla, pinaasa ko nanaman siya
Ang tanga tanga ko para sabihin yung pinakamahalagang salita para sa kanya. Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang mga kamay niya, I can see the hope in his eyes
"Trev I'm sorry, I'll explain it to you"
"So you don't mean it?" Napatungo na lang ako, ramdam ko ang pagkadismaya "nandon si Edward"
"Edward? Bakit siya nandoon? Tinawagan kaba niya?" Nasaktan ko nanaman yung taong hindi ako iniwan kahit na alam niyang hindi kami pareho ng nararamdaman
"I don't know, hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon." Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita doon ko lang pala siya matatagpuan
"Aalis nako" aniya, saka tumayo at naglakad paalis
Tumayo ako at saka niyakap siya mula sa likod "Save aalis nako."
"Trev I'm sorry, wag ka ng magalit sakin" umiiral nanaman ang pagkaselfish ko
"Hindi ako galit, hindi ko kayang magalit Save alam mo yan. About sa date natin wag na lang muna siguro ngayon"
"Trev ituloy na natin, ayokong masayang yung plano natin" tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya saka hinarap ako
"Vaelen aalis nako" sabi niya saka naglakad palabas ng bahay
Ngayon niya na lang ulit ako tinawag sa pangalan ko, hindi na ako sanay
PAGKAUWI ko sa bahay ay naabutan ko si Timothy sa Living room ngunit nilagpasan ko siya kaagad at dumiretso sa kwarto
What the hell is wrong with me, Tang*na ang saya saya ko kanina nung marinig kong nag I love you si Save sakin
Umasa ako na totoo na yon "Kuya, ayos ka lang ba?" Bungad ni Timothy ng pumasok siya sa kwarto ko
"Bro umasa nanaman ako" panimula ko
"Nag I love you siya sakin Bro, pero sinabi niya yun sa harap ni Edward. Pakiramdam ko sinabi niya yun para magselos si Edward" yun talaga ang nararamdaman ko, nasaktan ako pero hindi ko Iiwan si Vaelen
Pinangako ko sa sarili ko na hihintayin ko siya hanggang sa mahalin niya ako pabalik
"Kuya hindi kapa ba sanay? Magpamiss ka kaya baka sakaling malaman ni Panget kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sayo" gusto kong gawin pero natatakot ako
