KANINA ko pa iniisip ang maaaring dahilan kung bakit inimbitahan ako ng kuya ni Vaelen sa kanilang dinner mamaya.
Gustuhin ko mang tanungin si Vaelen ay hindi ko magawa. Matapos niya kasing sabihin sakin ang tungkol sa dinner mamaya, dumating naman si prof. Kaya hindi ko magawang magtanong.
At dahil boring naman ang klase....
Kumuha ako ng isang pilas ng papel mula sa notebook ko saka nagsulat dito.
'Bakit ako iniimbitahan ni kuya mo?'
Agad ko itong inabot kay Vaelen.
Nakita kong kumunot ang noo ni Vaelen pero binasa niya din ang sulat sa papel.
Tumingin pa siya sa harap kung nasaan ang prof namin. Saka siya nagsulat sa papel na binigay ko. At binigay saakin
" I don't know"
Yun lamang ang tangi niyang sagot sa tanong ko.
'ano nanamang trip ng kuya niya?' tanong ko sa sarili ko.
Minabuti ko nalang na manahimik dahil mukhang nakikinig din naman si Vaelen sa discussion.
MATAPOS ang ilang oras. Natapos na din ang klase para sa buong araw.
It's still 4 pm masyado pang maaga para sa dinner, lumapit ako kay Vaelen na ngayon ay nag-aayos na ng gamit niya
Kinalabit ko siya dahilan para mapunta sakin ang atensyon niya
"Uhm bakit?" Mahinang tanong niya
"I just wanna ask you if you want to accompany me."
Sinarado niya muna ang bag niya saka nagsalita
"Saan ba?"
"Mall? I want to buy something para sa dinner. Ano bang gusto ng Kuya mo na dessert?" I ask, para akong nagtatanong sa nililigawan ko nito ah
"Hmm si Kuya? Usually kasi kapag dessert ang palagi niyang nirerequest o binibili Yema cake."
Yema cake pala ha
"Alright, so let's go buy some Yema cake" nakangiting anyaya ko sa kanya
"Wait, nakipag-away kaba?" ako? Nakipag-away?
"No, why?"
"Ahm kasi parang may sugat yung labi mo eh"
Pagkasabi niya nun,kaagad ko nanaman naalala ang nangyari kagabi tangina
Vaelen naman bakit kaylangan mo pang tanungin yan
"Ahh a-ano wala lang to,nakagat siguro ng insekto"
Napatango na lang si Vaelen saka ako inaya na pumunta na ng mall
Habang nagmamaneho ako tumunog ang cellphone ni Vaelen
"Hello kuya?" Hindi nako nakinig sa usapan nilang dalawa at itinuon na lang ang pansin ko sa pagmamaneho
NANG makarating kami sa mall ay kaagad kaming namili ng Yema cake
" Ahm ilan ba dapat ang bilin ko? You think okay na ang tatlo?" Tanong ko sa kanya
