AGAD akong bumusina ng makarating ako sa tinutuluyan ni Vaelen. Kumunot din ang noo ko ng makitang nakaparada ang sasakyan ng kuya ni Vaelen sa labas ng bahay.
'Ang aga naman ng kuya niya pumunta dito' pagkausap ko sa sarili ko.
Ng makita kong bumukas ang pinto ay lumabas na din ako sa sasakyan ko dala ang umagahan na binili ko.
"Edward ang aga mo naman" bungad sakin ni Vaelen.
Mukhang papasok na siya dahil nakabihis na siya ng uniform niya.
"Naisipan ko lang daanan ka" ipinakita ko din sakanya ang paper bag na naglalaman ng take out na binili ko. "Nagdala din ako ng umagahan"
"Baby sino yan?" Wika ng kuya ni Vaelen na lumabas din mula sa loob ng bahay.
Agad kong napansin ang pagkunot ng noo ng Kuya niya, minsan talaga napapaisip ako kung may nagawa ba akong kasalanan sa isang to
"Ikaw nanaman? Ang aga naman yatang dalaw niyan?" 'Sarcastic'
" Sinundo ko lang siya para hindi na hassle"
Nakita ko kung paano kumunot ang noo ng kuya ni Vaelen. Ano nanamang sinabi kong mali? Bakit ba parang galit lagi sakin ang isang ito?
"Ako nang maghahatid sakanya. Makakaalis kana" malamig na sagot niya.
"Kuya!" Apela ni Vaelen.
"What? You dont wanna eat breakfast with your brother?" Naging mahinahon ang boses niya habang kausap si Vaelen. Nawala din ang kunot sa noo niya.
Ano bang problema sakin nitong kuya ni Vaelen. Parang babae kung magpalit ng mood.
Nakita kong napailing si Vaelen habang nakikinig sa sinasabi ng kapatid niya. Mukhang hindi niya rin matitiis ang kuya niya.
Pasimple akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kung gusto kong magging maayos kami ng kuya ni Vaelen kailangan kong pakisamahan siya ng mabuti.
Mukhang wala akong ibang pagpipiliian kundi hayaan na ang kuya ni Vaelen sa balak nitong mangyari.
"Vaelen" tawag ko sa atensiyon niya. "Mauna na ako. Iiwan ko nalang ito" wika ko at enextend ang kamay ko upang ibigay ang binili kong umagahan.
Balak ko sanang sabay naming kainin yon. Pero mukhang sa susunod nalang. Tamang tama dahil dalawang take out yon. Ang isa ay para sa kuya niya.
Inabot naman ni Vaelen ang paper bag. Pilit siyang ngumiti "Pasensya na kay kuya. May pagkaisip bata kung minsan"
Ngumiti nalamang ako at nagpaalam na mauuna na akong pumasok.
Nakita ko pang hinampas ni Vaelen ang kuya niya bago sila pumasok sa loob ng apartment.
KANINA ko pa pinapagalitan si kuya dahil sa mga inakto niya kanina sa harap ni Edward.
"Hindi mo dapat ginawa yon" wika ko. Ngunit tila walang narinig si kuya at nagpatuloy sa pagkain ng umagahan na niluto ko.
