NANG matapos ang klase agad na inayos ni Isabel ang kanyang mga gamit. Kailangan niyang magmadali habang wala pa si Edward alam niyang kukulitin nanaman siya nito. Nagpaalam ang binata kanina na pupunta ito sa restroom.
Agad na isinabit ni Isabel ang kanyang bag at nagmamadaling naglakad palabas ng biglang may humarang sakanya.
"Edward nam--" natigilan siya ng makitang hindi si Edward ang humarang sakanya. "a-anong kailangan nyo?" tanong nya sa mga babaeng humarang sakanya.
"Nakita namin pano mo akitin si Edward kanina" taas kilay na sabi ng isang babae.
'ako inakit si Edward?' gusto niyang sabihin iyon sa tatlong babae na kaharap nya ngayon ngunit minabuti niyang manahimik.
"You think you're good enough para patulan ka ni Edward?"
"Let me guess, pinagtitripan lang siya ni Edward. What do you think girls?" Maarteng sabi ng isa pang babae.
Nanatiling tahimik si Isabel. Ano namang sasabihin niya? Na si Edward ang nagyayang kumain sila ng breakfast? Sigurado siyang magmumuka siyang katatawanan sa harap ng mga ito o mas malala ay sabihing assuming siya.
Sino nga namang maniniwala na ang isang sikat na Edward Fuentabella ay yayayain siyang kumain.
Hinayaan niyang magsalita ang tatlong babae sa harap niya. Luminga linga siya upang tignan kung nasa malapit si Edward. Mahirap na baka makita siya nito at magyaya nanamang kumain
"Kinakausap kita! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?!" iritang tanong ng babae
Napatingin siya sa babaeng kaharap niya na handa nang bumuga ng apoy sa mukha niya.
"H-ha?" takang tanong niya. She's not paying attention.
Magsasalita pa sana ang babae nang bigla itong napatigil. Kahit si Isabel ay natigilan dahil sa biglang pagakbay sakanya ni Edward.
Nakalapit na pala ang binata sakanila. Hindi nya ito napansin dahil sa babaeng bubuga na ng apoy.
"What the fuck do you think your doing?" malamig na tanong ni Edward.
Nanibago siya sa pakikitungo nito sa babaeng kaharap niya. Walang makikitang emosyon sa mga mata nito. Hindi ito ang Edward na nakilala niya ilang araw palang ang nakakalipas.
"E-Edward" nauutal na tawag sakanya ng babae. Ang kaninang matapang nitong ekspresyon ay nawala na. Napalitan ito ng takot at kaba. "K-kinakausap lang naman namin siya" pagdadahilan nito.
Nabigla si Isabel ng biglang yumuko si Edward at humarap sakanya. Nakaabay parin ito sakanya habang pinagkatitigan siya ng binata.
"Totoo bang sinasabi nya?" malumanay na tanong sakanya ng binata.
"Ha?"tanging ito nalamang ang naisagot niya sa binata.
Tumayo ng tuwid si Edward, bumalik narin ang walang emosyon nitong mga mata at tumingin sa babae.
"The next time you try to bully her..." Matalim niyang tinitigan anv mga babae "I'll make sure you'll pay" malamig na wika ni Edward.
Agad na humingi ng tawad ang tatlong babae at nagmamadaling umalis. Naiwang nakatanga si Isabel dahil sa pagkabigla. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at bago lamang sakanya ang mga ganitong bagay, kaya naman nahirapan magproseso ang kanyang utak.