𝙷𝚂 24

20 2 0
                                    

ILANG araw na ang lumipas matapos ang nangyari sa condo ni Edward, masyado siyang nag-iingat ngayon kapag tungkol na sa akin

Katulad na lang nung isang araw, pinagsalitaan nanaman ako ng masasakit na salita ng mga tagahanga ni Edward, nung nalaman niya yun ay galit na galit siya at sinugod talaga ng mga yun kahit na babae ang mga ito

"Vaelen, hindi kita maihahatid ngayon pauwi okay lang ba? Kasi may session kami ngayon" session, ibigsabihin nun ay mag babar nanaman silang magkakaibigan

"Ahh Okay lang, mag cab na lang ako" nginitian ko na lang din siya, sa totoo lang wala naman talaga siyang responsibilidad sakin eh, kaya kahit hindi niya ako sunduin at ihatid pauwi ay ayos lang sakin

"Bro sorry hindi ako pwede ngayon, I have to do something" sabi ni Aries ng makalapit siya kay Edward

"Bro bawal tumakas"

"I'm really sorry bro, utos ni Mom bawal tumanggi" tango na lang ang sinagot ni Edward kay Aries

"Nga pala sinong kasabay mo umuwi? Wala si Edward ngayon pano yan?" Aries asked me, kapag talaga kinakausap niya ako ay hindi ko maiwasang kabahan

"Ah mag cab na lang ako, tutal malapit lang naman yung tinutuluyan ko dito" sagot ko sa kanya

"Uhm I can drive you home if that's okay with you" si Aries ba talaga ang kausap ko? Nakakapanibago kasi na hindi niya ako sinusungitan

"Bro wag ka nang magtanong, ihatid mo na lang. Knowing Vaelen tatanggi pa yan kapag tinanong mo"
Sinamaan ko ng tingin si Edward dahil sa pinagsasasabi niya, nakakahiya

"Okay? Uhm Vaelen I insist, I'll drive you home" nagpasalamat ako kay Aries pagkatapos nun ay bumalik na siya sa upuan niya

NANG oras na para umuwi ay kaagad na nagpaalam si Edward kasama sila Cliff, nauna silang umalis

Ako naman ay binilisan ang pag-aayos ng gamit ko dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Aries, nasa tabi ko siya ngayon at pinapanood ang ginagawa ko

"Ang dami mo masyadong gamit, bawasan mo kaya? Ako ang nahihirapan sayo eh ang payat mo pero yung bitbit mo mukhang mas mabigat pa sayo" totoo naman na masyado akong maraming gamit pero ayaw ko kasing mag tanggal ng gamit sa bag para kung sakaling kaylanganin ay hindi nako maghahanap pa

"Ayos lang naman, yakang yaka yan" nangunot ang noo ni Aries habang tinititigan ako

"Yakang yaka? Anong meaning non? Baka mamaya minumura mo na ako"

He doesn't know what yakang yaka is? San ba lumaki ang isang to

"Hindi ako marunong mag mura no, Yakang yaka means kayang kaya binaliktad lang" paliwanag ko

Huling SayawWhere stories live. Discover now