HE'S slowly walking towards my direction, huminto siya ng makalapit siya sakin
"A-anong ginagawa mo dito?" Why am I stuttering?
"Vaelen, I'm here to apologize" Ano daw? Apologize para saan?
"Apologize? For what?" I asked
"Ahm for what I acted, alam ko dapat hindi kita dinamay kaya sana Vaelen wag mo akong layuan ah? "
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, Kahit naman hindi siya humingi ng sorry ayos lang, It's no big deal.
"Wala yun Edward, saka bat naman kita lalayuan? Dahil lang doon? I'm not that kind of person Edward."
He looks relieved
" Thank you Vaelen, btw yung kay Cliff ahm t-totoo ba yun?"
Cliff? He's friend?
"Anong meron sa kaibigan mo?"
My forehead creased"Sabi niya sakin tinanong mo siya kung anong gusto niyang itawag sayo"
"Ah Oo tinanong ko nga siya"
He pouted, he's so cuteee
"Bakit ganon! Ang daya mo sabi mo close mo lang ang pwedeng tumawag sayo ng Vaelen tapos kay Cliff pinapili mo? Pano kung Vaelen ang tinawag niya sayo tapos hindi naman kayo close tsk"
Mahabang litanya niya
"Stop that, you're acting like a kid" I can't help myself from laughing by his actions
"Stop laughing will you?" Inirapan niya pa ako
" Ang sungit mo ata? May menstruation kaba?"
"What the fuck! Do I look like a fucking girl!" Bat ang cute niya kapag nagsusungit?
"Joke lang masyado ka namang seryoso"
Nagkatinginan na lang kaming dalawa
Bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Kuya
"Kaya naman pala ang tagal mo" inakbayan ako ni Kuya
"Ikaw anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah"
Bakit ang sungit ng mga lalaki ngayon?
"Ahm bro may pinag-usapan lang kami." Nakapamulsa pa si Edward habang nakikipag-usap kay Kuya
"Mukhang tapos naman na ang pinag-uusapan niyo eh, pwede ka ng umuwi"