NAGTAGPO ang mga mata naming dalawa, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon
"Bro you okay? Para kang nakakita ng multo" hindi ko pinansin ang sinabi ni Cliff dahil namumuo ang galit sa puso ko
"Let's get out of here" pag-aya ko sa kanila ngunit ni isa ay walang sumunod
Ngayon ay naglalakad siya palapit sakin, bakit kaylangan ko pa siyang makita ulit
"Edward long time no see! How are you?" Bati nito ng makalapit sakin, nakita ko din ang pagkabigla sa mga mata ni Cliff at Blast at si Vaelen? Nakikita kong naguguluhan siya
Nakita ko ang ginawang pagbulong ni Cliff kay Vaelen, ano nanaman kayang sinabi nito
"Edward hey,natutulala ka parin sa ganda ko? Grabe naman hahaha"
"Pwede bang umalis kana?" Sabi ko ngunit hindi siya natinag, at nakuha niya pang humatak ng upuan at tumabi sakin
"Edward wag kang ganyan, you know what? Namiss ko yang pagiging grumpy mo" she's acting like nothing happened in the past
"Ahm sino siya Edward?" Ng marinig ko ang boses ni Vaelen ay may pumasok sa utak ko, sana ay wag siyang magalit sa naiisip ko
"Babe she's just someone that I used to know" yes ito ang naisip ko, I'm sorry Vaelen
Napatingin si Vaelen kay Cliff at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtango ni Cliff kay Vaelen
"R-really Babe? Should we go now?" I can't believe na sumakay siya sa plano ko
" Not so fast Darling, Care to introduce yourself?" Ano pa bang gusto ng isang to
"Uhm what if I don't want to? You're not that Important so I won't waste my precious time introducing myself to you" wait, si Vaelen ba talaga tong katabi ko? Fuck she's a Badass
"Huh! W-what did you say you nerdy bitch!" Shit I think this needs to end
"Do I really need to repeat myself?" I can't fucking believe it, I need to end this
"So you heard my girlfriend, We need to go" sabay kaming tumayo ni Vaelen at naunang maglakad palayo,kasunod namin ang dalawa pa naming kasama
" Salamat naman at nakalayo na tayo doon, grabe Edward abot abot ang kaba ko habang nagsasalita" para siyang nagpigil ng hininga kanina dahil ngayon ay sobrang bilis ng paghinga niya
"Kinabahan ka? Parang hindi naman, ang cool mo kanina Isabel" malaki ang ngiti ni Cliff habang sinasabi ang bagay na yun kay Vaelen
Sumakay kami sa sasakyan ko at nagmaneho ako pabalik ng university dahil iniwan namin doon ang sasakyan ng dalawa
"Hindi ko alam na may ganon ka palang side? Can you do that often?" Wala lang ang cool niya kasi talaga kanina