𝙷𝚂 13

28 3 0
                                        

NAPANGITI ako ng makita ang naging reaksyon ni Vaelen matapos niyang makita ang book store. Sa ikalawang pagkakataon nakita ko muli ang ngiti sa labi ni Vaelen.

"Naisip kong baka magustuhan mo kung dadalin kita dito" wika ko.

"Pano mo nalaman na may ganitong lugar dito?"

"I just know" tipid na sagot ko.

Hindi lamang basta simpleng bookstore ang lugar na pinuntahan namin. May roon ding cafe dito kung saan pwede kang humiram ng libro at basahin ito habang umiinom ng kape.

Nakita kong umikot na si Vaelen sa store kaya naman sumunod lamang ako sakanya. Tumingin siya ng ilang libro pero ibinabalik niya rin sa shelf.

Nang makalayo si Vaelen sa tinatayuan ko agad kong tinawag ang isa sa mga nagtatrabaho dito sa store.

"Is this for sale?" Ipinakita ko ang libro na hinawakan ni Vaelen kanina lang.

"Yes sir. Actually last na yan dahil wala na kaming stock"

"Thank you" sagot ko kapagkuwan ay binili ang dalawang libro na tinutukoy ko.

"Edward"

"Hmm?" Timingin ako kay Vaelen na kakabalik lang mula sa pagkakaikot dito sa store.

"Malapit na mag seven thirty pumunta na tayo sa resto papunta na din daw si kuya"

"Here" inabot ko kay Vaelen ang paper bag na naglalaman ng libro na binili ko.

"Ano to?"

"A gift?"

Nagtataka namang kinuha ni Vaelen ang paper bag mula sa kamay ko. Kapagkuwan ay tumingin saakin.

"Edward--"

"It's just a simple gift Vaelen just accept it" nakangiting putol ko sa sasabihin niya. Alam ko naman na tatangi siya.

"S-salamat"

"Your welcome. Now let's go baka naghihintay na ang kuya mo saatin"

Sabay kaming naglakad ni Vaelen palabas ng store. Alam kong kaya ding bumili ni Vaelen ng libro na kung gugustuhin niya. Ngunit hindi niya ginawa. Kaya naman para makita muli ang ngiti sa labi ni Vaelen minabuti niyang bilhin ang libro.

At dahil malapit lang ang resto na kakainan nila mula sa mall. Nilakad nalang nila ito.

Sumakto rin na kakarating lang ng kuya ni Vaelen sa resto kaya sabay sabay na silang pumasok sa loob.

"What's that?" Tanong ng Nico kay Vaelen.

"Mga libro galing kay Edward" tipid na sagot ni Vaelen.

NAKITA ko kung paano lumipat ang tingin ni kuya mula saakin papunta kay Edward.

Ang akala ko ay maysasabihin pa si kuya pero nanatili siyang tahimik at tumingin sa menu para magorder.

Ibinaling ko naman kay Edward ang aking tingin. Kanina pa siya tahimik simula ng dumating kami dito. Napaisip tuloy ako kung ayos lang ba talaga sakanya na kumain kasama namin.

Huling SayawStories to obsess over. Discover now