"Vaelen" san niya nakuha ang number ko? Bakit ba ganito siya?
"Edward I know it's you, San mo nakuha ang number ko?" Diretsong tanong ko
"It doesn't matter kung saan ko nakuha ang number mo. Tumawag ako kasi gusto kitang makausap" sagot nito
"Edward bakit ba ginugulo mo pa ako? Sinusubukan kong kalimutan ka okay? Kaya please tigilan mo na ako!" Sa loob ng isang minuto ay naging tahimik siya, tanging paghinga lamang niya ang naririnig ko
Nang makabawi siya doon lang siya nagsalita "Vaelen let's talk please? Yung personal sana. Please?" Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niyang mangyari
"Fine, I'll let you know kung kaylan at saan." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, basta ko na lang pinutol ang tawag
"Sino yon? Mukhang serious ang usapan niyo ah? Si Trevor ba?" Si Lotus ang nagsalita
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito, wala naman kaming usapan na magkikita kami ngayon
Tumabi siya sakin saka mahinang binunggo ang braso ko "Bakla ka sino yon?"
"Si Edward." Nanlalaki ang mga mata nitong hinawakan ang mga balikat ko saka pilit na hinarap sa kanya "Si Edward! Ang taray bakla bumabalik na ba si Papa Edward?"
Umiling ako bilang sagot, ayokong makuha niya yung maling idea
"Gusto niya lang akong makausap that's all" tamad na sagot ko
"Sinabi mo na ba kay Trevor? I mean kaylangan niyang malaman"
"Kaylangan ba talagang lahat alam niya? Besides naging boyfriend ko siya dahil sa nangyari samin ni Edward hindi naman serious tong maituturing right?" Litanya ko na nakapagpabago ng expression ng kaibigan ko
"Are you nuts or something? Kahit ano pang reason kung bakit naging kayo leave that in the past. At ikaw para siguro sayo hindi serious pero kay Trevor? Seryoso siya sa nararamdaman niya para sayo. Kaibigan kita Bakla kaya gusto kong gawin mo yung tama. Kung hindi mo talaga kayang mahalin si Trevor more than friends let him go tapos ibigay mo sakin ganon"
Tinignan ko siya ng masama dahil sa huling sinabi niya "Char lang Bakla" pahabol nito
Iniisip ko pa lang na mawawala sakin si Trevor parang hindi ko ata kaya? Alam kong selfish pero gusto ko sakin lang magkakagusto si Trevor hanggang sa masuklian ko yung nararamdaman niya
PAGKARAAN ng ilang oras ay umuwi na din si Lotus, nagpalipas lang daw siya ng oras
Napagdesisyunan kong puntahan si Kuya sa kwarto niya, sa ganitong bagay siya lang ang makakapagsabi ng kung ano dapat ang gawin ko