SOBRANG laki ng pinagbago ng pinsan kong si Vaelen, minsan nga ay naiirita na ako sa kanya dahil panay ang hingi niya ng advice hindi naman niya sinusunod
Sa nakikita ko ngayon sa kanya mukhang mahal niya naman talaga si Edward, may pagkatanga din kasi kahit na pinahiya na siya nung lalaking yon nung panahon na umamin siya ayon mahal na mahal parin si Edward
Kaya naman hindi ko maiwasan na maawa kay Trevor kasi hanggang ngayon ay ayaw paring sukuan ang pinsan ko, dapat talaga sila ang magkatuluyan eh pareho silang tanga tsk
Btw highway nandito ako ngayon sa coffee shop na paborito naming puntahan ng boyfriend kong si Matt, hinihintay ko siya ngayon dahil may usapan kami
Itong coffee shop na ito ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Matt kaya naman naging paborito namin to, malapit kasi siya sa University kung saan kami nag-aral. We still go here kapag may date kami
Nasan naba yung lalaking yon ang tagal tagal tsk
Napalingon ako sa kabilang table, ang ingay nilang dalawa mga lalaki pa naman. Parang mga baliw tawa ng tawa at nagbabatuhan pa ng tissue nga bakla yata to
Napairap na lang ako saka tahimik na nag scroll sa social media account ko, tamang scroll lang ako ng may tumamang puting bagay sa mukha ko
Pagkakita ko kung ano yon ay isang tissue, alam ko na kaagad kung saan galing to
Tumayo ako nagpunta sa kabilang table, nakapameywang ko silang hinarap and to my surprise familiar silang dalawa sakin
"Sinong tanga ang nagbato ng tissue na yon?" I saw one of the guy smirked
" Sorry, my fault" sabi nung isang singkit tsk
"Mabuti naman at humingi ka ng sorry, itigil niyo na yang pagbabatuhan niyo kasi ingat na ingat ako sa maganda kong mukha kaya kapag tumama pa sakin ang kahit anong bagay ipapakain ko sainyo yon"
Tamad na tamad na tumingin sakin yung kasama nung singkit saka nagsalita "He already said sorry kaya tumahimik kana okay?" Parang naiinis pa ang tono ng boses niya
Sino ba ang dalawang to pamilyar talaga sila sakin eh "Dude ang sama pala ng tabas ng dila ng pinsan ni Isabel no? " Kilala nila si Vaelen?
"Yeah, gandang ganda din sa sarili"
"Hoy kayo sino ba kayong dalawa ha?! Bakit niyo kilala si Vaelen? At sandale ikaw na lalaking panget hindi ako gandang ganda sa sarili ko okay? Dahil maganda naman talaga ako!" I said with a cross arms
Totoo naman kaya, Hellooo madami kayang nabihag ang mukhang to sa US maging dito sa pilipinas too bad I'm already taken
"Your cousin is our friend, Btw I'm Aries" so Aries pala ang pangalan ni singkit, nagpapacute ba siya sakin? Gosh hindi uubra eww~
"Hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo, at ikaw naman anong pangalan mo panget?" Tanong ko doon sa isa