𝙷𝚂 16

22 1 0
                                    

MAAGA akong nagising o sabihin na nating hindi talaga ako nakatulog dahil kay Edward

Thank God It's friday! Makakapagpahinga din ako bukas,naghanda muna ako ng umagahan. Habang nagluluto ako ay narinig ko ang pag-tunog ng phone ko

These days ang active ng phone ko ha, laging may tumatawag o di kaya ay nag tetext

Nang makita ko kung sino ang tumatawag hindi ko alam ang magiging reaction ko. Dapat ba akong matuwa o malungkot

" Vaelen anak, How are you?" It's Mom, she looks so happy right now

"I'm good,kayo po kamusta kayo ni Dad?" Nakakapanibago na makausap sila dahil sobrang tagal na nung huli kaming nag-usap

" We're good, btw wala ka bang pasok ngayon?" Nakakalungkot dahil palagi silang wala, kaya pati schedule ko hindi nila alam

"Mamaya pa ang pasok ko Mom, I'll end the call na po. Marami pa po akong gagawin"

"Mamaya pa naman ang pasok mo mag-usap muna tayo, alam mo ba miss ko na kayo ng kuya mo" Dapat ba akong maniwala?

"Bakit kasi hindi na lang kayo umuwi? Mas mahalaga ba talaga ang business natin kaysa samin ni Kuya?" Hindi ko maiwasan na maghimutok dahil namimiss ko din sila pero sa ginagawa nila parang mas mahal nila ang trabaho kaysa sa aming magkapatid

Minsan iniisip ko, pano kaya kung simple lang kaming pamilya? Yung hindi kilala sa larangan ng Business siguro lagi kaming magkakasama.
Ano ba tong sinasabi ko,Si Mom and Dad pati si Kuya lang pala ang kilala ng mga tao. Well it's my choice, ayokong makilala ng maraming tao pero mayroong iilan na kilala ako

"Vaelen anak alam mo naman na ginagawa namin to ng Dad mo para sa inyo ng Kuya mo diba?"

Yeah I know that, para sa amin lahat ng ginagawa nila. Ganon naman palagi diba

"Nga pala tumawag din ako dahil uuwi dyan ang Kuya Sam mo pati na si Seijin" Wahhh Uuwi si Kuya at Seijin!!!!

" Kaylan Mom! I'm excited!" Sobrang tagal na nung huli kaming nagkita, Kuya Sam and Seijin are my cousins. Magkapatid sila

"By sunday nandyan na sila, gusto ka sana nilang isurprise pero alam mo naman ang Mommy mo may pagkamadaldal. Sa bahay sila uuwi so it's better kung dun ka muna mag stay"

Huling SayawWhere stories live. Discover now