𝙷𝚂 7

30 3 0
                                    

NANG makita kong nasa labas ng apartment ko si Kuya ay kaagad akong bumaba ng sasakyan ni Edward

"Vaelen where have you been? Ang aga aga wala ka dito sa apartment mo, and who's that? Sinong kasama mo?"sunod sunod na tanong ni Kuya

" Kuya ngayon lang ako nakauwi kasi tinapos namin yung assignment at kaibigan ko ang kasama ko"

"Lalaki ba?"
Tanong nito, dahil tinted ang sasakyan na Edward hindi mo makikita kung sino ang nakasakay doon

"Y-yes Kuya"
Kabadong sagot ko,nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Lalo pa akong kinabahan ng makita kong bumaba si Edward at naglakad palapit sa amin

"Ikaw yung kaibigang sinasabi ni Vaelen?"
Tanong ng Kuya ni Isabel kay Edward

"Hmm sorry bro kung ngayon lang siya nakauwi, wag ka sanang magagalit. Tinapos lang namin ng girlfriend mo ang assignment namin"

Nagkatinginan ang magkapatid atsaka sabay na tumawa

Si Edward naman ay nalilito sa nangyayari

"Ahm why are you two laughing?"
Kunot noong tanong nito

"Edward hin-hahaha h-hindi ko siya boyfriend hahahaha"
Walang humpay sa pagtawa si Isabel

Sa hindi malamang dahilan napangiti si Edward dahil ngayon niya lamang nasilayan ang dalaga na tumatawa

"Sorry haha, akala ko kasi boyfriend mo siya. Ahm bro sorry ngayon ko lang naihatid ang kapatid mo"

Paghingi ni Edward ng paumanhin kay Kuya, natigil na kami ni Kuya sa pagtawa at nanumbalik ang pagkaseryoso ni Kuya

"Vaelen mag-uusap tayo, dadaan ako dito mamaya hintayin mo ako. I need to go at ikaw lalaki ka kung may binabalak kang masama sa kapatid ko sasamain ka sakin"
Sabi ni Kuya at ipinakita pa nito ang kamao niya bago tuluyang sumakay ng sasakyan at umalis

"Ang sungit pala ng boyf-- I mean Kuya mo" nakangiting sambit ni Edward

"Hmm ganon lang talaga yun, pero bakit naisip mong boyfriend ko si Kuya hahaha ang epic nun"

"Wala hahaha, pasok na tayo sa loob at maligo kana ang baho mo na eh" lokong Edward to ah

"Ang yabang mo!" binuksan ko ang pintuan at pinatuloy siya. Umupo siya sa pangisahang sofa, feel at home na kaagad siya ha

"Ang ganda ng apartment mo, malinis at organised ang mga gamit" sabi niya habang nakatingin sa akin

"Salamat, ahm mag-aayos nako"
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko atsaka sinimulan ang routine ko

HABANG nag-iintay si Edward ay nakita niya ang picture ng dalaga na nakapatong sa isang cabinet

'Ang cute cute niya pala nung bata siya'

Kinuha niya ang phone niya at saka lumapit sa litrato ng dalaga. Kinuhanan niya ito ng litrato

Nakangiting bumalik sa pagkakaupo si Edward at tinitigan ang litrato ng dalaga

Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ni Edward, sakawakas ay lumabas na si Isabel at handa na itong pumasok

"Let's go? Baka malate tayo nito, Terror pa naman si Miss Frieto"
Sabi ni Isabel

"Ano kaba meron pa tayong 1 hour bago ang klase niya satin"
Tumayo ako saka umakbay kay Vaelen, nakita ko ang pagkabigla niya dahil sa ginawa ko

Ang cute nya talaga, para siyang nakababata kong kapatid

"Vaelen kain ulit tayooo"
Pag-aya ko sa kanya

Huling SayawWhere stories live. Discover now