𝙷𝚂 6

26 3 0
                                    

NAPANSIN ni Edward na nakayuko na si Isabel sa center table. Mukhang nakatulog na ito. Kanina niya pa kasi ito napapansin na panay ang hikab.

Nilapitan niya ang dalaga at inalis sa kamay nito ang hawak na ballpen. Halos patapos na din ang tinatype nito sa laptop.

"Pffft" pinigil ni Edward ang kanyang tawa ng makita nito bahagyang nakanganga ang dalaga.

'Cute'

Dahan dahang binuhat ni Edward ang dalaga patungo sa kama niya. Siya nalamang ang tatapos sa ginagawa nito kanina.

Napatingin si Edward sa orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto.

9:46 pm

Kinumutan ni Edward si Isabel at muling bumalik sa kaninang inuupuan ni Isabel. Sinimulan na niyang magtipa sa keyboard ng laptop niya. Napatimpla na din siya ng kape upang malabanan ang kanyang antok.

DAHAN DAHANG iminulat ni Edward ang kanyang mata ng makarinig ng mga tinig.

Nakita niyang kausap ni Isabel ang isa sa mga katulong sa bahay nila. Mukhang nagdala ito ng umagahan sa kwarto niya dahil may dala itong tray.

"Salamat po ate" magalang na wika ni Isabel sa papalabas nang katulong.

"Gising kana pala. Kumain kana" inilapag ng dalaga ang tray na hawak nito. "Pinadala daw ito ng mommy mo kanina bago umalis" dugtong pa nito.

Isa isa niyang tinignan ang pagkain  na nakahain sa harap niya. Dalawang plato ng kanin, bacon, ham, eggs.

"Pasensya na nga pala nakatulog ako kagabi. Sobrang inaantok lang talaga ako" paghingi ng paumanhin ni Isabel. Nakayuko ito habang nakaupo sa harap niya.

Napangiti si Edward dahil sa ikinilos ng dalaga.

"Hindi ako tumatangap ng sorry" sagot niya sa tonong nagtatampo. Ngunit gusto niya lamang asarin ito.

"Ha?" nagaangat ng tingin si Isabel sakanya. Pinigil niya ang tawa dahil sa naging reaksyon nito.

"Ayaw ko ng sorry. Alam mo ba kung anong oras na ako natulog kagabi para matapos yung assignment?" hindi niya tinignan ang dalaga dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang kanyang tawa ng mas matagal pa.

Nagpanggap si Edward na galit at nagsimula nang kumain. Nanatiling tahimik ang dalaga kaya naman nakaisip siya ng paraan upang magsalita itong muli.

"Tatanggapin ko yung sorry mo" sumubo si Edwards ng isang hiwa ng bacon. Nakita naman niyang nagliwanag ang mukha ng dalaga dahil sa sinabi niya. "Sa isang kundisyon"

"Anong kundisyon?" agad na tanong ng dalaga.

"You'll be my friend" uminom si Edward ng juice saka tumingin sa dalaga.

"Kaibigan naman na kita diba? Pumayag na ako diba?" sunod sunod na tanong nito.

Umiling uling si Edward saka nagsalita "Hindi ka naman pumayag"

"Ha?"

"Napilitan ka lang nun kasi wala kang ibang pagpipiliian. Akala mo ba hindi ko napapansin yun Vaelen? Umiiwas ka sakin dahil iniisip mo yung sasabihin ng ibang tao" wika ni Edward.

Alam niya naman kasi na napilitan lang pumayag ang dalaga sa gusto niya. At ayaw niya ng ganon. Gusto niyang maging kaibigan ang dalaga. Gusto niyang maging magaan ang pakiramdam sakanya ng dalaga. Gusto niyang maging kumportable ito kapag magkasama sila may ibang tao man o wala.

Nakita niyang napayuko si Isabel sa sinabi niya. Kaya muli siyang nagsalita.

"Vaelen pagkakaibigan lang ang hinihingi ko sayo. Gusto ko magtiwala ka sakin. Gusto ko ituring mo akong tunay na kaibigan mo"

Huling SayawWhere stories live. Discover now