2 WEEKS had passed, maraming nangyari pagtakatapos ng Prom. Kasama na doon ang hindi pagpasok ni Isabel sa loob ng dalawang linggo
Nag-aalala ako kay Isabel, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Natural lang naman ito diba? Napalapit na din siya sa amin
While Edward? He doesn't care at all, pinagbawalan niya kaming banggitin ang pangalan ni Isabel. Magpanggap kaming hindi kilala ang dati niyang bestfriend
Naging laman din ng usapan si Isabel, tinatawag siyang malandi, gold digger at kung ano-ano pa
" Dude bakit ang tahimik mo?" Blaster asked
"I'm thinking Blaster" iniisip ko kung paano ko makakausap si Isabel
"Alam mo Cliff kung tungkol nanaman yan kay ano itigil mo na" he looked so serious right now, malayo sa Blaster na kilala ko
"Blast I can't, nagiguilty ako. Titigil lang ako kapag nasigurado kong ayos si Isabel, but for now? Hayaan mo na lang ako"
"Cliff don't mention her name, kapag narinig ni Edward yan I'm sure mag-aaway kayo" wala na akong pakiaalam, masyado ng unreasonable si Edward
"May klase paba? You know what I'm bored. Aalis ako sama ka?" I asked
"Wag mo nang isama yang si Blast, Ako na ang sasama sayo" hindi ko alam na nakikinig pala si Aries sa amin ni Blast
"Alright" kinuha ko ang gamit ko ganon din si Aries
Sabay kaming naglalakad ngayon papuntang parking lot ng mahinto anh kasama ko sa paglalakad
"Dude ano tatayo kana lang dyan?" Ngunit hindi siya natinag bagkus ay naglakad palapit sa isang babae kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang
"Hey, diba ikaw yung pinsan ni Vaelen?" Tanong nito sa babae
"Ano naman ngayon sayo?" Huh! Ang sungit ng babaeng to tsk
"Gusto ko lang itanong kung bakit hindi siya pumapasok." The girl rolled her eyes, What the fuck is wrong with this girl
"Gusto mong malaman? Ahh kaibigan ka nga pala nung lalaking feeling gwapo" I think she's referring to Edward "Ayun nagkukulong sa kwarto niya, nawalan din ng gana kumain yung pinsan ko. Kung hindi mo pipilitin hindi kakain. Hindi mo rin makausap ng matino kahit na yung boyfriend niya hindi siya makausap. Lahat yun nang dahil sa kaibigan mong panget! Pakisabi sa kanya ha? Baka sakaling makonsensya" hindi man lang pinagsalita si Aries basta na lang ito naglakad palayo sa amin