𝙷𝚂 5

35 4 0
                                        

AT DAHIL kailangan maipasa agad ang kanilang assignment. Wala nang nagawa pa si Isabel kundi ang pumayag sa suhesyon ni Edward.

Lumipas ang mahabang oras at sawakas ay oras na para umuwi sila

"Vaelen let's go, mukhang uulan pa yata tsk" naunang naglakad palabas ng classroom ang binata ng mapansin nitong hindi nakasunod sa kanya si Isabel

Kaya bumalik si Edward at saka hinawakan ang kamay ni Isabel at hinatak ang dalaga papuntang parking lot

"Ahm Edward pwede mo nang bitawan ang kamay ko" naiilang na sambit ni Isabel. Isinawalang bahala ni Edward ang sinabi ni Isabel. Hinawakan niya lamang ang kamay nito hindi alintana ang mga kababaihan na makakakita sakanila.

Kaagad naman binitawan ni Edward ang kamay ng dalaga nang makarating sila sa parking lot, upang pagbuksan ng pinto si Isabel. Agad naman itong sumakay saka umikot si Edward papuntang driver's seat at saka sumakay.

"Vaelen sa bahay na lang tayo?"
Tanong nito habang pinaaandar ang sasakyan

"Ahm sige sa inyo na lang"

Tumango na lang si Edward bilang sagot

TAHIMIK ang buong byahe, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita hanggang sa makarating sila sa bahay ni Edward

Nagpark ito at bumaba, sunod ay pinagbuksan niya ng pinto si Isabel

"B-bahay mo niyo to?"
Namamangha na tanong ni Isabel sa binata

'Grabe ang laki ng bahay nila'
Yan ang nasa isip ni isabel habang naka tingin sa bahay nila Edward

Mayaman sila Isabel pero hindi parin niya maiwasan ang mamangha sa laki ng bahay nila Edward

" Hmm pasok na tayo sa loob, nangangawit nako eh"
Hinatak ni Edward ng banayad si Isabel ngunit hinatak ni Isabel si Edward

"Teka, natatakot ako baka mamaya sungitan ako ng Mama mo"
Halata sa tono ng boses niya ang takot

"Don't worry Vaelen, hindi niya tayo papakialaman"

Nagtataka man ay nagpatangay na lang si Isabel sa binata hanggang sa makapasok sila, bumungad sa kanila ang isang magandang babae

"Son?"
Wait ito ba ang Mama ni Edward, Wow ang ganda niya

"Sino siya?"
Tanong nito kay Edward

"It's none of your business"
Walang ganang sagot ni Edward, nabigla si Isabel ngunit hindi niya ito pinahalata

Dumiretso sila sa kwarto ni Edward

"Ahm Vaelen pasensya kana sa kanina"
Mukhang tinutukoy niya ang nangyari sa baba

"Ahm wala yun, pero pwede ba akong magtanong?" kaylangan ko siyang matanong kung bakit ganon ang pakikitungo niya sa Mama niya, naiinis ako ang sarap niyang batukan

"Go ahead"

"B-bakit ganun ka sumagot sa Mama mo? I saw the sadness in her eyes nung sinagot mo siya ng ganon" totoo, nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata ng Mama niya kahit pa nakangiti ito

Huling SayawStories to obsess over. Discover now