𝙷𝚂 14

23 2 0
                                        

KASALUKUYAN kaming nasa parking lot ng mall dahil dito iniwan ni Edward ang sasakyan niya kanina

"Ahm salamat sa paghatid and sa Dinner."

"Welcome" maikling sagot ni Kuya, nag-ngitian pa silang dalawa

Don't tell me may something silang dalawa? Ano ba tong naiisip ko nababaliw na ata ako

" Pano ba yan Edward mauna na kami sayo ha" paalam ko

"Wait bro pwede ko bang sunduin si  Vaelen bukas?"

"Yeah" maikling sagot ni Kuya

Pakiramdam ko talaga may ibang nangyari nung umalis ako eh. Ano kayang tinatago sakin ng dalawang to

Inaya na ako ni Kuya sumakay ng sasakyan,pagkasakay namin ay kaagad na nagmaneho si Kuya papuntang apartment ko

"Kuya wala ba talagang nangyari kanina nung umalis ako?" I asked

"Wala, nag-usap lang kaming dalawa" tungkol naman kaya saan ang pinag-usapan nila

"Ahh,tungkol saan naman ang pinag-usapan niyo?" My curiosity is killing me

" Wag ka ngang matanong" nag-susungit nanaman

"Ang sungit sungit, parang nagtatanong lang naman" bulong ko, naasar kasi talaga ako nagtatanong lang naman ako eh may masama ba dun

" You sayin' something?"

"Walaa, btw Kuya diba 3 am ang flight mo? San ka matutulog niyan ngayon?"

"Sa bahay, ihahatid lang kita"
Hindi ko talaga maintindihan tong si Kuya minsan eh. Minsan kasi madaldal minsan naman sobrang limitado ng mga sagot niya

" Kuya ingat ka ah tsaka tawagan moko palagi. Hanggang kaylan ka ba don sa Cebu?"

" Bakit ba ang dami mong tanong?" Mapapansin ang pagkairita niya sakin

Hindi na lang ulit ako nagsalita,ayoko nang makipag-usap kay Kuya naasar lang ako sa kanya

Pagkarating na pagkarating namin sa apartment na tinutuluyan ko ay kaagad akong bumaba, hindi na ako nagsalita .kaagad akong pumasok sa loob

Habang nag-aayos ako ay nakarinig ako ng mahihinang katok, malamang si Kuya Nico yan

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang katok na nagmumula sa labas, maiinis lang ako lalo kay Kuya

My phone rang, Unregistered number? Sino naman kaya to

I answer the call and the moment I hear the voice of the caller nakilala ko agad

"Edward? It's you right?"
Pagtatanong ko

Huling SayawStories to obsess over. Discover now