TODAY is the day, ngayon ang Prom namin. Mamayang 6 pm pa naman ang start ng Prom kaya hanggang ngayon ay nakahiga parin ako sa kama
Hanggang ngayon ay hindi parin ako sigurado kung pupunta ba ako o hindi. Wala naman akong masyadong kilala doon bukod sa mga kaklase ko at kila Edward syempre
Nasabi din samin na pwedeng mag-dala ng outsider para gawing date. Wala naman akong madadala na date no, ang gusto ko sana si Edward pero wala eh hindi niya naisip man lang na gawin akong date
Pinikit ko ang mga mata ko ngunit agad din akong napadilat ng marinig ang tunog ng phone ko
It's Edward, He's calling me via facetime, I immediately answered the
CallPagkasagot ko ay nakita ko ang maganda niyang mga mata, bakit ganon ang gwapo niya paring tignan even with messy hair
"Hey good morning!" Bati nito sakin
"Good morning din" ngumiti siya kaya wala akong nagawa kundi ang mapangiti na lang din
"Vaelen pumunta ka sa Prom mamaya ha, Iintayin kita doon"
"Hindi ko pa sigurado kung pupunta ako sa Prom, wala naman kasi ako masyadong kilala doon saka wala naman akong date no" kumunot ang noo niya marahil dahil sa sinabi ko
"Vaelen please? I want to Introduce you to someone. And I can find you a date if you want?" Ako? Ipapakilala niya? Kanino naman kaya
And about sa date thingy, grabe hindi man lang niya ni consider ang sarili niya as may date
"Tinatamad akong mag-ayos. Itetext na lang kita kapag makakapunta ako o hindi" sagot ko saka inend ang tawag
Pupunta ba ako o hindi? Ang hirap mag decide ah, akala mo life changing decision tsk
I'M going to introduce Sabina to Vaelen. Alam kong nagkita na sila pero hindi ganon kaayos dahil hindi naman kami okay ni Sabina ng mga panahon na yun
Pero ngayon, Okay na kaming dalawa. Nagkabalikan na kaming dalawa, binigyan niya ako ng assurance na hindi niya na ulit ako iiwan. Alam ko nasabi kong hindi ko na mahal si Sabina pero mali ako, I still love her hindi yun nawala
"Babe, ano pa bang ginagawa mo diyan? Maligo kana kaya?" That's Sabina, andito siya ngayon sa condo ko actually kagabi pa siya nandito
"Come here Babe" hinatak ko siya dahilan para mapaupo siya sa hita ko
"Edward ang sabi ko maligo kana, may date pa tayo pagkatapos nun didiretso kana ng Prom. Madami pa namang babae doon" she's pouting
I kissed her, Just a peck on her lips
"Maliligo ako kapag sinabayan mo akong maligo" napangiti ako sa naging reaksyon niya
"Edward k-katatapos lang natin kagabi! Hindi kaba napapagod?" Ang cute, akala mo naman bago pa samin ang ganito
We're like newly weds na nagkakahiyaan pa "I'm just kidding, ayoko naman pagudin ka masyado. Pero magpahinga ka pagtapos ng date natin, dahil kapag umuwi ako galing Prom alam mo na" namula siya dahil sa sinabi ko,Itong babaeng to, gusto kong siya na ang makasama ko hanggang pagtanda