Two

1K 20 0
                                    

"BYE!" sigaw ni Eleanor sa mga kaibigan na noon ay nakaangkas na sasakyan ng kani-kanilang boyfriend. "See you soon, loves!"

They gave their last shout out to her as the cars passed her by. Nakangiting napailing-iling nalang si Eleanor bago lumiko ng daan. Away from the music and the lights of that bar, she feels so empty, again. Niyakap niya ang sarili nang humapas ang malakas na hangin sa kaniyang balat. But it was sudden, because the next minute, may nakabalot nang jacket sa magkabila niyang balikat. Pinag-angatan niya ng tingin ang lalaking naglagay niyon.

"You don't wanna catch a cold, eh?" ang sabi nito sa kaniya saka ngumiti. A smile that brought a sudden tension in her veins. Hindi niya rin maintindihan kung bakit. "Do you need a ride home?"

"Nope, I'm good," tugon niya rito. From his handsome face, ipinaling na uli niya ang panigin sa daan. "But thanks for the jacket, anyway."

Hindi ito tumugon ngunit nanatili itong nakasunod sa kaniya. When they reach the alley lit by a few post lamps, tinanggal niya ang suot na jacket at iniabot rito.

"Here's your jacket," sabi niya rito na pinilit ngumiti rito sa kabila ng tensyon na nararamdaman. "Really, thank you."

"Sure," kinuha nito ang jacket mula sa kaniya bago siya direktang tinitigan sa kaniyang mga mata. "By the way, gusto ko rin palang magpasalamat."

Nangunot ang noo ni Eleanor. Sa kabila ng tensyon na nararamdaman ay sinalubong niya ang paningin ng lalaki. There was an amusing light beneath them.

"W-what are you talking about?" nangingiting tugon ni Eleanor rito bagaman hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. "Bakit ka nagpapasalamat sa akin?"

"Well," sumilay ang isang tila nahihiyang ngiti sa mga labi nito. "I never believe in love at first sight until I saw you so thanks."

Eleanor was quickly caught off guard. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi ng lalaki o kung seryoso ba talaga ito doon. Nanatili siyang hindi makapaniwalang nakatitig lamang dito.

"Ang gusto ko talagang sabihin, ikaw ang pinakamagandang babae kanina sa may dance floor," sinserong sabi nito sa kaniya habang titig na titig pa rin sa kaniyang mukha. "Alam ko magmumukha na akong sirang plaka, pero, gusto ko sanang ulitin yung tanong ko kanina," wika nito na napapakamot sa ulo. "Pupuwede ba kitang ihatid pauwi?"

"Hmm?" naaaliw na pinagmasdan ito ni Eleanor. Sa hitsura ng lalaki, mukha namang hindi ito masamang tao. Panatag rin ang loob niya habang kasama ito ngayon—o pupuwede rin namang napukaw na rin nito ang kaniyang damdamin dahil sa matatamis nitong salita. Sa kabila niyon, gusto niya pa ring makasigurado. "Papaano naman ako makakasiguro na hindi ka masamang tao, Mister?"

Natawa ang lalaki sa pagtukoy niya rito bilang 'mister'. Naaaliw na pinagmasdan siya nito bago pagkuwan ay dumukot ng kung ano sa may bag. Nagulat si Eleanor nang iabot nito sa kaniya ang ID at cell phone nito.

"Okay, now you have my ID para malaman mo ang ilang personal information tungkol sa'kin. Nasa'yo na rin ang cell phone ko para in case na gawan kita ng masama, ikaw na mismo ang tumawag sa police station." Ngumiti ito muli ng matamis sa kaniya. "Pupuwede na po ba kitang ihatid ngayon?"

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon