Forty-two

667 12 0
                                    

"THOUGHT you might still sleeping kaya hindi na kita inabala. I'm up early because I have to go to the police station before I go to the firm but I'll see you later. By the way, here's fresh milk. Don't forget to eat your breakfast. – Gabriel."

Iyon ang nakasulat sa note na nakadikit sa bote ng gatas na iniwan ni Gabriel sa harap ng kaniyang bahay. Napapabuntong-hiningang kinuha niya iyon. How she wish he'll just stop doing those things. Mas lalo lamang siyang nahihirapan sa kaniyang nararamdaman dito nang dahil sa ginagawa nitong iyon. She tried to eat breakfast kagaya ng sinabi nito subalit parang ayaw tumanggap ng pagkain ng kaniyang tiyan. Sa halip ay mayro'n siyang ibang gustong gawin. Pagkaligpit na pagkaligpit ay naligo siya at agad na nagbihis.

Nagtungo siya sa puntod ni Eleanor. Mayro'n siyang naabutan doon na candle wax—tanda na doon nga nagtungo si Gabriel nang makita niya ito kagabi. Inilapag niya sa may gilid ng puntod nito ang dala niyang flower basket.

"Hi, Eleanor, na-realize ko na hindi pa pala tayo nagkakakilala nang pormal. I'm Celene. Alam mo, kahit hindi kita nakilala ng personal, nararamdaman ko na mabuti kang tao." Ngumiti siya sa may puntod nito. "Hindi ko rin alam kung bakit ako napapunta nang bigla rito sa puntod mo. Perhaps, I want to ask you, how to make Gabriel fall in love with me. Can you teach me?"

Hindi na niya napigilan ang sariling emosyon. Tears started swelling down from her eyes. Hindi niya nakikita ngayon ang kaluluwa nito ngunit nararamdaman niya na nasa paligid lamang ito.

"P-pasensiya ka na, Eleanor, ha? Hindi ko naman sinasadya na mahalin si Gabriel, eh. I guess, he's just a really lovable person." aniya habang patuloy sa pag-iyak. "Alam mo, sa totoo lang, naiinggit ako sa'yo. Ang suwerte-suwerte mo kasi mahal na mahal ka niya. Kahit ngayon na wala ka na, pakiramdam ko, hindi pa rin kita kayang palitan sa puso niya."

Nagbuntong-hininga siya. Pinahid niya ang mga luha gamit ang likod ng mga kamay. Malungkot na ngumiti siya sa may puntod nito pagkatapos.

"Pasensiya na sa abala, Eleanor. Aalis na ako. Pero bago ang lahat, may isa lang sana akong hiling sa'yo," patuloy na pagka-usap niya rito. "Puwede bang kagaya no'ng hinahanap namin yung mga labi mo, tulungan mo rin kami ngayon para mahanap ang taong gumawa sa'yo nito? Magpakita ka uli sa akin... sa panaginip ko. Please, tell me everything. Nahihirapan na kasi akong makitang nahihirapan si Gabriel. Sana matulungan mo kami." she sighed. "Bye, Eleanor."

Hinaplos niya ang puntod nito ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang siyang nanghina. Napaupo siya sa damuhan at biglang nanlabo ang kaniyang paningin. Unti-unting nagdilim ang kapaligiran at biglang may mga boses na umukopa sa kaniyang tenga. Celene closed her eyes and tried to focus. Doon na lumitaw ang sari-saring imahe sa kaniyang gunita na tila ba clips ng isang naka-fast forward na video.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon