Fifty

778 9 0
                                    

"CELENE, bumalik ka na, please," naluluhang pagkausap ni Gabriel sa walang malay na si Celene. Natanggal na ang bala sa katawan nito, ngunit sa kabila niyon, ayon sa mga doktor ay unstable pa rin ang kondisyon nito kaya nananatili itong walang malay hanggang sa mga sandaling iyon. "Mahal na mahal kita,"

Dinala ni Gabriel ang kamay nito sa kaniyang mga labi at dinampian iyon ng halik. Hindi niya maiwasang hindi sisihin ang sarili sa nangyari rito. He promised to protect her ngunit nabigo siya—kaparis rin nang kung paano siya nabigong protektahan si Eleanor.

"Hindi ko na alam kung makakaya ko pa kung pati ikaw mawawala sa akin, kaya please, bumalik ka na," patuloy niyang pagsusumamo rito. "Bumalik ka na kasi hindi ko na kayang mabuhay sa isang mundong wala ka."

Napayuko si Gabriel at inilagay sa kaniyang noo ang kamay ni Celene. Patuloy ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata. Ilang sandali pa at natigilan siya nang maramdaman ang paggalaw ng daliri nito mula sa pagkakalapat sa kaniyang noo. Nag-angat siya ng ulo.

"C-Celene?" pigil-hiningang nausal niya habang halos hindi kumukurap sa pagkakatitig rito. "Celene, mahal ko?"

Sa panggigilalas ni Gabriel, dahan-dahan, nag-angat ng paningin si Celene. At first, her eyes are only transfixed at the ceiling, until it suddenly find its way to him. Napaluha nalang siya sa labis na kagalakan.

"Y-you're awake, you're really awake," galak na galak na wika niya. "Sandali, tatawagin ko ang doktor!"

Natigilan siya sa akmang pag-alis nang hawakan siya nito sa kaniyang braso. Para bang nakikiusap ang mga mata nito na huwag siyang umalis kaya naman muli siyang bumalik sa tabi nito. Tinanggal niya ang tube na nakapasak sa loob ng bibig nito.

"Hey," mahinahong wika niya saka niya marahang hinaplos ang buhok nito. "What is it, beautiful?"

Napangiti si Celene habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ng binata. Nakabalik na nga talaga siya. Kahit na bahagya pang nanghihina ay inabot niya ang mga kamay nito at hinawakan iyon.

"I-I heard your voice while I was unconscious," masuyong sabi niya rito. "Y-you were telling me that you love me."

Sa pagkakataong iyon ay si Gabriel naman ang napangiti. Kinuha nito ang kaniyang dalawang kamay. Pareho nito iyong dinampian ng halik.

"Sweetie, I am telling you that I love you because I do," masuyong tugon nito. "Noon ko pa gustong sabihin nang gabing nag-stargazing tayo, napangunahan lamang ako ng kaba. I don't know how it happened, pero isang araw, nagising nalang ako na ang pangalan mo na ang siyang itinitibok ng puso ko—I love you, Celene!"

Hindi na napigilan ni Celene ang kaniyang emosyon. Nag-uunahang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Ang tagal na niyang hinintay na marinig na sabihin nito ang bagay na iyon. Now that she did, narealize niya, gaano man kaganda sa paraisong pinanggalingan niya ay mas pipiliin niya pa ring manatili sa tabi nito.

"Mahal rin kita, Gabriel," lumuluhang sabi niya rito. "Sa lahat ng hiwagang nangyari sa buhay ko, yung hiwagang nagdala sa'yo sa akin, ang nag-iisang hiwagang hindi ko pagsisisihan kailanman."

Niyakap siya nito. Napangiti siya at niyakap niya ito pabalik. Nang sandali ring iyon, pakiramdam niya, muling nanumbalik ang kaniyang lakas.

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon