Twenty-five

657 10 1
                                    

PIGIL ang hininga ni Celene habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki sa kanilang harapan. Ang nasabing mga lalaki ay ang may-ari ng talyer na mismong nakausap ni Gabriel kanina at ang binatilyong anak nito. Nakiusap sila rito na kung maaari ay tulungan silang maghukay sa bakanteng lote sa likod ng shop ng mga ito. Noong una ay diskumpiyado ang mga ito subalit kalaunan ay pinagbigyan din sila nang mag-alok si Gabriel na dodoblehin ang bayad sa nasira nitong kotse. Sinulyapan niya si Gabriel na nakatayo sa kaniyang tabi. Hindi ito mapakali. Gusto sana nitong tumulong sa paghuhukay subalit pinigilan niya ito. He was obviously not in himself and she was worried that he would only compromise his own safety. Laking pasasalamat naman niya na nakinig ito sa kaniya.

Mahigit isa't-kalahating oras din naghukay ang mga ito bago kapwa matigilan. Sumenyas ang may-ari ng talyer na mayro'n silang natamaang matigas sa ilalim. Nang malaman iyon ay dali-daling nagtatakbo palapit sa mga ito si Gabriel. Kinalkal ng mag-ama ang mga lupang nakatabon sa nasabing matigas na bagay at tumambad sa kanila ang isang sako. Nang sandaling iyon ay hindi na maganda ang enerhiyang naramdaman ni Celene. Kahit hindi pa natutukoy ang laman niyon ay mayro'n nang malalabong imaheng nabuo sa kaniyang guni-guni. Napakapit siya sa noo'y nanginginig na si Gabriel.

Sa pagtutulungan ng mag-ama ay tuluyan nang naiahon ang naturang sako. Nanginginig na dali-dali iyong nilapitan ni Gabriel. Nilaslas nito iyon at kapwa napigil nila ang kanilang mga hininga nang ang tumambad sa kanila ay mga buto at kalansay. Ang binatilyong anak ng may-ari ng talyer ay napamura sa nakita habang ang ama naman nito ay biglang namutla. Celene, herself, couldn't speak. Sinulyapan niya si Gabriel. He was obviously devastated. Nanginginig na sinuri nito ang kalansay at natigilan nang may maaninag na makinang sa pagitan ng mga buto. Dinampot nito iyon at mistulang pinanawan ng lakas nang makitang ang makinang na bagay ay isa palang singsing.

"G-gabriel," nanginginig na hinawakan niya ito sa balikat. She was flooded by a sudden realization. "I-is that...?"

Sinulyapan siya ni Gabriel. Namumula ang mga mata na tumango ito. Natutop niya ang sariling bibig. Umupo siya nang sa gayon ay mag-abot sila ni Gabriel. Nangingilid ang luha na niyakap niya ito mula sa likuran nito. Doon na ito tuluyang bumigay.

"Eleanor, anong ginawa nila sa'yo, mahal ko?!!!" umiiyak na sigaw nito habang yakap-yakap ang sakong naglalaman ng buto at kalansay ng namayapang kasintahan. "Mga hayop! Hayop! Hayop sila!!!"

"Gab, tama na, tama na," pag-aalo niya rito. Ramdam na ramdam niya ang marubdob na galit at paghihinagpis nito. Dahilan upang hindi na rin niya mapigil ang sariling umiyak. "Nandito lang ako... hindi kita iiwan."

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon