Thirty-nine

634 9 0
                                    

"AYON ho sa aming autopsy sa mga labi ni Miss Eleanor, traumatic head injury po ang kaniyang ikinamatay. May natagpuan po kamimng dent sa kaniyang bungo at maaaring may matigas na bagay kagaya ng isang bato ang ipinukpok sa kaniyang ulo which immediately leads to her sudden death." paliwanag ng officer. "Isa hong posibleng anggulong tinitingnan namin sa krimen na ito ay rape. Maaring may nagtangka hong manggahasa kay Miss Eleanor at siya'y nanlaban. Naging dahilan po iyon para mapatay ang ating biktima ng suspek."

Paulit-ulit umaalingawngaw sa isipan ni Gabriel ang sinabi na paliwanag sa kanila ng officer na siyang nagsuri sa mga labi ni Eleanor habang palabas sila ng crime lab. May nagtangkang manggahasa kay Eleanor at ang taong gumawa niyon ay siya ring pumukpok sa ulo nito na naging dahilan ng pagkamatay nito. Biglang nagsikip ang kaniyang dibdib sa galit. Hindi niya lubos maisip kung sino ang walang kaluluwang gumawa niyon sa yumaong kasintahan.

"Gab," pukaw ni Celene sa kaniyang tabi. Mababanaag ang labis na pag-aalala sa mga mata nito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay. "Ayos ka lang ba?"

Hindi niya nagawang kumibo. Gulong-gulo ang kaniyang isip nang mga sandaling iyon. Galit na galit siya at sa isang banda ay naghihinagpis rin sa nangyari para sa yumaong kasintahan. Napakabuting tao nito at hindi nito dapat sinapit ang gayong kasamang bagay.

"Akin na yung susi," sabi nito sa kaniya nang walang matanggap na tugon. "Ako nalang ang mag-da-drive, okay?"

Hindi na siya tumanggi rito. Alam niya rin naman kasi na wala siya sa sarili para magmaneho. He was so devastated—baka kung ano lamang ang mangyari sa kanila kapag pinilit niya ang kaniyang sarili. Sa biyahe ay hindi niya pa rin makuhang magsalita. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang mga tao at gusali na mabilis na dumadaan sa kaniyang paningin. Samantala, pasulyap-sulyap sa kaniya si Celene na halatang disoriented rin sa mga nangyari.

"I'm sorry," sabi niya rito nang marating nila ang tapat ng kanilang mga bahay. "I can't walk you to your house tonight."

"It's okay," saad naman nito na pinilit ngumiti. "Pumasok ka na. Take a rest. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako, okay?"

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon