Thirty-one

676 11 0
                                    

NAGISING si Celene sa pagkakaidlip nang maramdaman na wala na sa kama si Gabriel. She was so vigilant in looking after him na hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pagod. Dali-dali siyang lumabas at hinanap ito. Natagpuan niya itong nakaupo sa may platform sa porch ng bahay nito. Malayo ang tingin nito at tila nag-iisip na naman. Napapabuntong-hiningang nilapitan niya ito.

"Hey," pukaw niya rito saka umangkas sa platform nang sa gayon ay makaupo siya sa tabi nito. "Okay na bang pakiramdam mo?"

"Yes," tugon nito saka ngumiti nang matipid sa kaniya. "Gusto kong magpasalamat sa pag-aalaga mo sa akin, Celene."

Ngumiti lamang siya. Ipinaling niya ang paningin sa malayong dako pagkatapos. Isang nakabibinging katahimikan ang sunod na namagitan sa kanila.

"Hanggang kailan mo balak gawin ito, Gabriel?" di kalaunan ay hindi niya napigil na hindi ibulalas. "Hanggang kailan mo balak na parusahan ang sarili mo?"

Hindi sumagot si Gabriel. Tanging buntong-hininga ang kaniyang narinig mula rito. She sighed, too.

"Gab, kung ano mang nangyari kay Eleanor, wala kang kasalanan. You loved her so much. Ginawa mo ang lahat para lang mahanap siya kaya sana naman..." napalunok siya nang dahil sa pinipigilang emosyon. "Sana naman huwag mong sisihin ang sarili mo."

"I've been constantly telling myself the same thing, Celene. Pero ang hirap paniwalaan. I've hold on to the little hope inside my heart for three years na darating din ang panahon na muli ko siyang makakasama, but I guess, I was just wrong again." napailing-iling ito. "Now, it feels so hard going on to my life again. Pakiramdam ko, may mga nakataling kadena sa paa ko. Hindi ako makasulong hangga't alam ko na somewhere, malayang nakakagala ang taong gumawa ng bagay na iyon sa kaniya, probably having the best time of his life after what he did to her." kumuyom ang mga palad nito. "Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya."

Sinulyapan ni Celene si Gab. There was anger and pain in his eyes. Parang ni hindi iyon nabawasan man lamang. God, kung may magagawa lamang siya para pawiin iyon.

"Listen, Gab, I've been thinking about it for days now. Naisip ko na, mas mapapadali ang paghahanap natin sa suspek kung makakausap natin uli si Eleanor. So, I thought..." napalunok siya. "I thought, maybe, I could communicate to her spirit again."

Napatingin sa kaniya si Gabriel. There was a great disbelief in his eyes. Kaparis na kaparis iyon ng reaksyon ng bestfriend niyang si April. Pagkuway napabuntong hininga ito.

"Look, I know you just want to help, but you don't have to do this, Celene," hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at direktang tinitigan sa kaniyang mga mata. "Alam ko na may hindi ka magagandang experience before at ayoko na uling malagay sa panganib ang buhay mo."

"P-Pero..."

"Celene, I told you, you don't have to do this," mariing sabi nito sa kaniya. "You have already helped me in so many ways at para sa akin sapat na 'yon, okay?"

Wala nang nagawa si Celene. Tumango siya. Mistulang nakahinga naman nang maluwag si Gabriel.

"Now, go home and take a rest," sabi nito sa kaniya saka hinaplos ang kaniyang pisngi. "I can take care of myself from here."

"Do you promise?"

Ngumiti ito sa kaniya. "I promise."

LOST SOULS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon